Sixty three** the fight for love(part1)
(Tracey POV)
"Trace wala ka bang balak kumain? It's already one in the afternoon at hanggang ngayon ay hindi pa tayo nag aalmusal and even lunch. Are you trying to suicide?" Ralvy told me while he is eyeing me helplessly. Nagulat pa ako nung sinabi niya na hapon na pala. Ganun katagal na ba ako naghihintay sa pagbalik ni Janus? But I'm not yet hungry, mamaya na lang ako kakain pagdating niya.
"Mauna na kayong kumain. I'm still full." Walang gana kong sabi. I feel like my energy is drained in some unknown reason.
"But you should eat. Masama ang malipasan ng gutom." Giit ni Ralvy kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. BAkit ba may mga times na hindi marunong makiramdam ang taong to.
"Sabi ng mamaya na lang eh. Wag ka ngang makulit Ralvy." Inis na sabi ko pero ayaw pa din paawat ng loko.
"Kumain na nga tayo. Nalilipasan na tayo ng gutom sa ginagawa mo. Hindi lang ikaw ang nag aalala kay Janus. Nag aalala din kami kaya kumain kana." Inis na ding sabi niya kaya lalong nag init ang ulo ko. Bakit ba hindi siya marunong makaintindi?
"Sinabi ko ng mamaya na lang ako kakain. Bakit ba ang kulit kulit mo."
"Gusto mong prangkahan tol? Kung ikaw hindi nagugutom kami gutom na gutom na. wala si Janus kaya walang magluluto ng pagkain. Kanina pa kita niyayayang kumain para naman maisipan mo na magluto dahil namumuti na kami sa kakahintay." Sigaw niya kaya naman natigilan ako. Oo nga pala. Wala nga pala silang kakainin kapag di ako nagluto.
"Okay my bad. Nawala sa isip ko na hindi nga pala kayo maaasahan sa kusina. But still hindi ako magluluto wala akong gana. Just cook some noodles to satisfy your tummy."
"Trace naman maawa ka na samin magluto ka na. Tingnan mo si Troy nahimatay na sa gutom. Si Charlie nakadilat na lang ang mata. Tayong apat na nga lang ang nandito tapos di mo man lang kami maalalang ipagluto. Magtatampo ako sige ka."
"Edi magtampo ka paki ko?" hindi ko na alam kung matatawa ako o maiinis sa pagmumukha ni Ralvy. Hayy I'm sure that I'm going to miss this kind of scenes.
Tatayo na sana ako para magluto nung biglang nagring ang doorbell. Its odd na nagdoorbell pa si Janus gayong may susi naman siya ng dorm. Well baka naiwanan niya.
"Hi guys I brought some foods for all of you." Isang matinis na boses ng babae ang narining ko pagkabukas ng pinto. Basta na lang niya nilagpasan si Ralvy at dire diretso siya dito samin sa sala.
"I know na hindi pa kayo kumakain dahil wala si Janus kaya naman pinagdala ko kayo ng foods. Come on guys let's eat." Nakangiti pang sabi niya, tss plastic. Pakitang tao. Orocan!
"Busog pa ako." Sabi ni Troy at tinuloy ang naudlot niyang tulog.
"Mas gugustuhin ko pang kumain ng lason." Bulong ni Charlie sa tabi ko kaya naman napatawa ako ng mahina.
"Hindi mo kami responsibilidad Hyerin. Makakaalis kana. Kaya naming gumawa ng sarili naming pagkain. We afford to buy everything we want to eat. We don't need your charity anymore." Sabi naman ni Ralvy sabay upo sa tabi ko. Tingnan mo to samantalang kanina nag aalburuto dahil hindi ko pinagluto, ngayong may pagkain na sa harap niya masyado pang choosy ang loko.
Napanguso si Hyerin dahil sa pagtanggi nila. Nagpapacute pa ang loko mukha namang nguso na tinubuan ng mukha. Akala niya ikinaganda niya yang nguso nguso na yan.
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
De TodoWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...