Fifty two** rescued
(Dave POV)
I've been dying here since the moment Timothy hyung told us that the two of them went missing. Sana pala hindi na lang ako umalis. Edi sana hindi sila nagkakagulo ngayon. O kaya naman kung napaaga kami ng balik baka naabutan pa namin sila. I'm really a shame. Wala na akong magandang naidulot sa kanila. My ability is not that strong. Ano nga ba ang maitutulong ng pagdetect ng bombs. Somehow I felt that I'm not that compatible to be in this group.
Paano na lang kung may hindi magandang nangyari sa dalawa. Paano kung nakidnap pala sila? Naabduct ng aliens? Nabenta ang internal organs nila ng mga sindikato. And worst baka isinama sila ng mga lamang lupa sa ibang mundo.
"Guys gather up." Timothy hyung said with the voice full of authority. Nakakatakot talaga ang pamilya nila kapag nagseryoso. I once saw Master and Tracey having that facial expressions and that gave me Goosebumps.
"Wala pa ding balita si Rhelmd about sa location nila Tracey. Pero kailangan niyong maging alerto dahil anytime aalis tayo para hanapin sila sa mga possible places kung nasan sila. As for now. Mag isip kayo ng lugar kung saan sila pwedeng pumunta. Then maghihiwalay tayo into two's para mabilis silang mahanap." Sabi ni Timothy hyung. Tumango na lang kami kasi baka lalo siyang magalit kapag umapela pa kami.
Uupo na sana ulit kami nung biglang dumating si Rhelmd Noona. Anak pala siya nung dating member ng Shadow na si Rhon o mas kilala bilang Phantom. Kaya niyang magtrack ng kahit anong related to gadgets and what so ever. Kung may kakayahan lang sana ako na gaya ng kanya mas mapapakinabangan pa nila sana ako.
"There something that I need to tell you all. May nadetect akong groups of BHC Assassins sa isang certain place. And by the term groups they are hundreds. Hindi ko alam kung bakit sila nandun pero malakas ang kutob ko na baka nandoon sila Trace. Just hurry the battle is two vs. many, walang laban sila Trace at Janus kahit anong galing nila." Sabi niya kaya napatayo kami bigla. Muntik pang malaglag sa upuan si Troy sa sobrang gulat. Agad kaming napatakbo papunta sa van. Nakita ko naman si Timothy hyung at Travis na pumunta sa dalawang sports car na magkamukha at mabilis itong pinaharurot. Pinakabilis ko na ang patakbo sa van pero mukhang wala itong binatbat dun sa mga sports car nila kaya napag iwanan kami. I just open my gps tracker and track Travis's phone para makasunod kami at hindi maligaw.
On our way para bang familiar sakin ang daan na dinadaanan namin. And there it hit me. Ito yung daan papunta sa isang bahay nila Janus somewhere in Tagaytay. So talagang malaki ang possibility na nandito nga sila. Lalo tuloy akong kinabahan dahil naalala ko na naman yung sinabi ni Rhelmd Noona. Ipagdadasal ko na lang na sana ay ligats silang dalawa.
Pagdating namin doon ay gusto ko na lang bumalik ulit dahil hindi ko kinaya ang nasa harap ko. Daang daan na assassin ang nakahandusay sa daan at wala ng mga buhay. Ang iba ay naputulan pa ng kamay at mga paa. May iba naman na kita na ang lamang loob at talagang nakakasuka. Tila umulan ng dugo sa buong paligid dahil ang buong daan ay dinadaluyan ng dugo ng mga patay na kalaban. Nakita kong paalis na ang dalawang sports car na sinakyan ng magkapatid. Nandoon sa loob si Trace at Janus kaya sumakay na din ako agad sa van para paandarin ito. Yung tatlo kong kasama ay hindi pa din maprocess ang mga nakita nila kanina at tulala pa din hanggang ngayon.
Nilabas ni Ralvy ang ulo niya sa bintana ng van at doon nagsuka. Hindi ko siya masisisi dahil sadyang nakakasuka talaga kapag nakakita ka ng lamang loob na medyo pumipintig pintig pa.
Pagdating ng hospital ay agad na ginamot ang dalawa. Wala naman daw malalang tama ang dalawa maliban na lang sa baling braso ni Janus at sa hita ni Trace na may malalim na sugat. Agad silang naagapan at napagpasyahan namin na pagsamahin na lang sila ng room para mabantayan naming pareho at hindi na kami matakasan pa. Naunang nagising si Trace at inamin niya na niyaya niya si Janus para mamasyal at walang nagawa yung isa kundi ang samahan siya. Pinagalitan siya ni Timothy hyung pero pinatawad din siya agad dahil hindi naman siya matiis nito. The next day nagising si Janus na para bang may hang over lang.
BINABASA MO ANG
ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twin
RandomWinter's testament__ I Winter Terrice Jansen Madrigal Y Lee hereby declare that starting today, May 02,---- will give the authority to my daughter Tracey Feiri Jansen Madrigal to be the holder of my title as Poison. This testament will give her the...