Twenty- Three

312 12 12
                                    

Chapter 23.

Answered.





"Finally you're already here " parang tumigil ang mundo ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.


It's Theofil smiling at me.





"Theofil!" narinig ko ang boses ng isang babae na tumawag sa pangalan niya. Napamaang talaga ako nang marealize kong hindi ako ang tinutukoy niya. Peste! Napahiya ako roon ah!




Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang babae na nakafloral- dress rin kagaya ko but hers was red. I was still stunned how she passed me by at nakilala ko ang mukha niya.



Si Ate Auchela....






"What took you so long to come back, Theo? I missed you" when I looked back at them, nakasakbit na ang braso ni Ate Auchela sa kaniya. So they're close huh? Or maybe the two of them had a relationship? Bakit tunog galit ata ako?!



I heard him laughed. "I did missed you too Machel" sagot niya sa sinabi ni Ate Auchela.




"Your sister is still not here?" tumango naman siya. "Oh so I will still wait for her? That's fine, I am just so excited to see her!" dagdag ni Ate Auchela, natawa na naman siya ulit.




"You'll see her later, let's go?" aya niya at masaya namang tumango si Ate Auchela.




Nagsimula na silang maglakad at iniwan ako. Wait! Hindi nila ako iniwan! Hindi naman nila ako kasama! At parang hindi nila naman ata ako napansin! Binalik ko ang tingin ko sa entrance at kakapasok lang ng tatlo kong kapatid.







"The resort changed" tipid na komento ni Kuya Yaro, dala nila Khairo ang mga gamit namin ni Ate.





"Mas lalong gumanda" dagdag ni Khairo na ikinangiti ko, tumabi nalang ako sa kanya habang nagsimula na kaming naglakad.





"Dawn? Nasa restau na kayo? Kakarating lang namin eh" parang katawag ni Ate Yannise si Ate Nica. "Sure sure, susunod nalang kaming apat diyan" dagdag ni Ate at ibinaba na ang tawag.






"Ano po ang sabi ni Ate Nica, Ate?" tanong ko.





"Unlocked na daw ang mga rooms natin kaya diretso na tayo roon para na rin makapunta na tayo sa restau ng resort" nakangiting sagot niya, hindi talaga maitago ang excitement niya dahil para na siyang tatakbo papunta sa cottages namin.



Nasa restaurant na kami ngayon and I wasn't surprised when I saw my cousin na kanina pa takam na takam sa pagkain na nakahain sa harap namin. Patay- gutom talaga ang gago.



"Parang kakainin mo na rin ang pinggan ah? Ganiyan ka kagutom?" naiinis kunwari na tanong ko. Ngumuso naman siya.



"Hindi kaya ako pinakain ni Ate Nica ng snacks pagkauwi ko kaya gutom talaga ako" sagot niya at napairap na ako sa mga sinasabi niya.




Mahabang table ang nasa harap namin at hindi pa tapos iserve ang lahat ng pagkain, hindi pa dumarating si Ate Nalie at sinabi ni Chia na hindi alam ni Ate Nalie na nandito kami so for short isusurprise namin si Ate Nalie. Bumalik sa entrance sina Ate Nica at Ate Yannise para salubongin ang isang kaibigan nila, may dala pa silang confetti.







I looked all the person who's in our table pero hindi ko siya makita. Where did they go?





"Kuya Theo! Ate Auchela!" parang nabingi ako nang makita ko na naman sila na ganoon pa rin ang posisyon. Nakangiting kumaway sa amin si Ate Auchela, napatingin ako kay Kuya Yaro at hindi ko alam pero nakita kong nagsalubong ang dalawang kilay niya pero nawala rin 'yon kaagad nang napansin niya akong nakatingin sa kaniya. What was that?






When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon