Twenty- One

363 13 11
                                    

Chapter 21.

Regret.





Napaigtad ako nang biglang hampasin ni Pat ang likod ko. Peste! Ang sakit nun! Masama ko siyang tiningnan habang siya ay parang kalapati kung ngumuso.





"Tinatawag ka ni Dwellie, ayon siya oh!" tinuro niya pa ang nasa likod ko. Napalingon naman ako sa tinuturo niya.






"Wag ka nalang kasing manghampas! Ang sakit nun gaga!" reklamo ko pero ngumisi lang siya na parang walang ginawang masama. Ang gaga talaga!





Nasa gate pa lang kami ng eskwelahan at buong araw kaming walang klase dahil nga  ipagpapatuloy pa namin ang intramurals ngayon. Halos lahat ng estudyante ay ngayon pa lang dumating at kabilang ako roon, kanina pa nakarating si Pat. Most punctual daw siya eh palagi namang late kung regular school days, peste.





Napasimangot talaga ako dahil sa paghampas ni Pat sa likod ko. Parang nabali ata ang isa sa mga buto ko sa likod! Peste!






"Kai pwede mo bah akong tulungan?" tanong ni Dwellie nang makalapit siya sa'min ni Pat. Ano ang gagawin ko?





"Oo naman, ano 'yon?" nakangiting tanong ko.






"May talent ka naman sa arts 'di bah?" napatunganga naman ako sa kanya. Wala akong talent roon! diyosko! Trip ko lang bumili ng art materials! Kahit mansanas ko nga hugis bilog!






"Ano? Wala akong talent sa arts noh! Sino bang nagsabi na may talent ako ron?" natatarantang sagot ko, napatingin naman siya sa katabi ko na sumisipol na ngayon. Peste ka Patricia!





"Nasabi sa'kin ni Patricia kanina eh na matutulungan mo raw ako mamaya sa stage" matalim ko na namang timingnan ang baliw kong kaibigan na nasa tabi ko.





"Nakoo Dwellie... sorry pero hindi talaga ako marunong sa arts, stickman lang ang alam ko at heart, square, rectangle, circle at kung ano pang shapes------"




"Nagpapalusot 'yan Dwellie, wag kang maniwala diyan" parinig ni Pat. Dahil sa inis ay kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaimpit siya sa sakit. Buti nga sa'yo!






"Please naman Kai oh... may pinakita rin sa'kin si Patricia kanina..." Dwellie said with her puppy eyes, nanlaki naman ang mga mata ko. Ano naman 'yon?!





"Mga drawing mo sa notebook mo ipinakita niya sa'kin, marunong ka naman pala magdrawing. Please Kai, hindi naman masyadong mahirap ang gagawin natin sa stage, gupit gupit lang naman gagawin natin" parang gusto ko na talagang hilahin ang buhok ni Pat pero wala na akomg choice dahil naaawa rin ako kay Dwellie. Member kasi siya sa student council.






Napabuntong- hininga ako. "Fine, tutulungan kita. Anong oras bah magsisimula ang pagdedecorate ninyo sa stage?" tanong ko, nakita kong lumiwanag ang mga mata ni Dwellie.






"Yes! Pumayag ka rin! Alas 4 ng hapon magaganap ang pageant kaya kung pwede maglalunch tayo ng maaga.... siguro mamayang 11 a.m. para makapagsimula tayo magdecorate mga 12 sa tanghali" sagot ni Dwellie.





"Oh sige sige, alas 8 pa naman kaya maglalakwatsa na muna kami ni Pat"  wika ko, nginitian naman ako ni Dwellie ng matamis.





"Salamat talaga Kai! Wag kang mag- alala marami naman tayo mamaya! Ingat kayo! Pupuntahan ko pa ang President sa junior" tumakbo na paalis si Dwellie at naiwan kami ni Pat. Masama ko siyang tiningnan.







When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon