Thirty- Three

278 12 0
                                    

Chapter 33.

Real.




Nasa kitchen table pa rin kami ni Ate Auchela, kumakain ng meryenda. Natahimik lang kami saglit kaya uminom muna ako ng juice, kain pa rin ng kain si Ate Auchela at parang walang pakialam sa mundo.





"Bakit feeling ko interesado ka tungkol kay Theo?" kung hindi ko lang nalagok ang iniinom kong juice, paniguradong maibubuga ko ito.




"Ano? Hindi Ate! Hindi ako interesado sa kaniya at hinding- hindi talaga mangyayari na magkakaroon ako ng interes tungkol sa kaniya!" para akong hinahabol ng baliw na aso dahil sa bilis kong magsalita.





"You really sound defensive! Hahaha" tumawa ulit siya, napapikit ako dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Tinapik niya ang balikat ko. "But tell the truth, gusto mo bah ang kaibigan ko?" gusto kong mahimatay.





"No way and never ako magkakagusto sa lalaking 'yon, Ate Auchela! Never!" napatakip na ako sa buong mukha dahil nahihiya na talaga ako, I heard she laughed again, tinanggal ko nalang ang nga kamay ko sa mukha dahil parang ang tanga ko na tingnan.





"Bakit 'lalaking 'yon' na naman ang tawag mo kay Theo? Owemji.... parang matagal na kayong magkakilala!" ngumuya muna si Ate Auchela bago nagsalita ulit. "Tell me if I'm wrong pero noong debut mo ay... I can really tell ma magkakilala kayo ni Theo" tumango pa talaga siya.





"You're wrong, Ate Auchela" tamad na sagot ko, ngumuso siya at kumagat ulit sa sandwich.




"What? Okay fine! But I wonder why Theo chose to live in this apartment... wait!" napaigtad ako sa biglaang pagsigaw niya. "What if.... si Theo ang may gusto sa'yo?! Owemji! I should celebrate!" sigaw niya, napapikit ako dahil ang tinis ng tili bi Ate Auchela.






"Imposibleng mangyari 'yan...." pero hinalikan niya ako! Hi. Na. Li. Kan niya ako! Maraming beses at hindi lang 'yon isang smack kundi diniin niya talaga! Diniin niya ang mga labi niya sa mga labi ko. At parang ginusto ko rin 'yon! Teka bakit ko bah 'to sinasabi?! Erase erase!





"I have a saying na there is no impossible if we talk about love" ngumiti pa ng matamis si Ate Auchela nang sinabi niya 'yon, napabuntong- hininha ako at saka umiling.





"Kahit pa Ate Auchela... imposibleng- imposible magkagusto ang isang tulad niya sa isang tulad ko" depensa ko pa rin.




"But you liked him" umiling ako nang umiling. "Hey you don't have to say that na hindi ka magugustohan ng kaibigan ko, you have the beauty, the body at good personality! You don't need to look down at yourself!" cheer up niya pa.






"Salamat Ate Auchela pero hindi ko talaga magugustohan ang kaibigan mo" tamad na sabi ko pa rin.







"Masamang magsalita ng tapos, baka malunok mo 'yan pagkatapos" natatawang saad ng kasama ko. Kahit ilang minuto lang kami nagkasama ng matagal ni Ate Auchela, I already feel comfortable towards her.







Biglang tumunog ang cellphone niya at sinabi niyang may appointment pa daw siyang pupuntahan kaya nagpaalam na siya at sinabing magkita ulit kami kung may oras. Hinatid ko siya palabas papunta sa sasakyan niya, alas tres y media na sa hapon ngayon and I already felt my tiredness. I decided to sleep at gabi na nung nagising ako.





Wala akong ganang magluto kaya lumabas ako para magtungo sa café niya. Wala na akong pakialam kung nandiyan bah siya o wala! Basta wala akong pakialam!





When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon