Thirty

314 11 0
                                    

Warning: Starting to this chapter and so on. It may include  scenes that is not suitable for young readers ages 18 below so all I can say is read at your own risk and enjoy reading. Mwuah.

Chapter Thirty.

Rooms.





"Kaireen! Are you okay?" I was shocked when Chia suddenly tapped my back at malakas ang pagkakatapik niya! We're still in the club, lumabas na naman si Tessa, Weshia at Pat para sumayaw kaya kami nalang tatlo ni Leria at Chia ang nandito sa loob ng VIP room.




"Okay lang ako!" sigaw ko rin, nakabukas kasi ang pinto kaya dinig na dinig namin ang tugtog sa labas. Ngayon ko lang napansin na lakas namg uminom ni Leria dahil parang hindi pa siya tinatablan ng alak.




"You're okay?! Are you sure? Let's dance then!" si Chia naman ay mababa pa rin ang tolerance sa alak kaya siya ang unang nalasing sa aming lima. Hinila niya ako patayo, she danced like no one cares about her.




Matino pa naman ang pag- iisip ko kaya para akong tanga na nakatayo sa harap ni Metichia. Gulat pa rin ako sa nangyari kanina sa boy's restroom, Oo! Hindi ko napansin na pumasok na pala ako sa boy's restroom! Kaya pala hinablot niya ang braso ko para pigilan ako! Nakakahiya!





"Urghhh! Leria sabayan mo nalang si Chia rito, lalabas na muna ako" naiiritang ani ko, narinig ko pang tinawag ako ni Leria. Lumabas nga ako ng club hindi ako himinto sa dance floor o ibang tables basta lumabas ako!





Nakalabas na nga ako pero wala namang katao- tao sa labas at wala na ring mga sasakyan na dumadaan! Napalingon- lingon ako sa paligid at may nakita akong bench malapit sa isang eskinita, I decided to sit there tp unwind my mind.





Nabuntong- hininga talaga ako nang makaupo sa bench, napahawak ako sa labi nang maalala ko na naman ang nangyari kani- kanina lang. That was my first kiss! Ninakaw niya ang unang halik ko!




"Pero bakit parang ginusto ka naman?!" galit na tanong ko sa sarili. "Ewan ko nalang sa'yo Kaireen! Hinayaan mo siyang nakawin ang----"




"Ang ingay mo"






"Ahhh! Butiking paniki!" sigaw ko nang marinig ang isang baritnonong boses ng isang lalaki! Marahas akong napatayo at napaharap sa kaniya. "Sino ka bah at nangugulat----- hahaha ikaw pala" nag- iba kaagad ang tono ng pananalita ko nang makilala kung sino.





"Anong ginagawa mo sa labas?" nagtatakang tanong niya, tiningnan niya pa ako ulo hanggang paa. "And that clothes... baka lamigin ka" nanaliksik ang mga mata ko. Ano namang pakialam niya kung lamigin ako? Teka! Nag- aalala bah siya?







"Nag- aalala ka?" kunot- noong tanong ko. Bahagya siyang natigilan at napaiwas ng tingin sa akin! "Teka... namumula pisngi mo ah?" nilapit ko pa ang mukha ko sa pisngi niya.







"No it's not" depensa niya, narealize kong ang lapit- lapit ko na sa kaniya kaya nilayo ko ang sarili kong mukha sa mukha niya.






"Ano bah kasing ginagawa mo rito? Sinusundan mo bah ako?" diretsang tanong ko, napataas ang isang kilay niya at kalmadong ibinulsa ang dalawang kamay sa jeans niya.






"Why would I follow you?" tanong niya rin, napairap ako sa hangin.




"Kasi...." gusto mo ako? Grabe ang kapal naman ata ng mukha ko kung tatanungin ko siya ng ganoon. Hindi ko nalang itutuloy ang sasabihin ko, wala naman itong kabuluhan o maitutulong.






When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon