Forty- Seven

351 12 0
                                    

Chapter 47.

Off.




"This place is too big for the new upcoming hotel, Daddy" komento ko nang makarating kami sa lumang lugar namin noon, nandoon pa rin ang mansion namin pero wala nang katao- tao doon. Narinig ko naman ang tunog na tawa ni Daddy.


"I like big places besides the hotel we're gonna build is huge because it will be a new resort" napakibit- balikat nalang ako habamg sinusuyod ang paningin sa buong kapaligiran. "I will just talk to Zane. Enjoy yourself here before we plan, okay?" tumango nalang ako at hinayaan si Daddy na magtungo kay Tito Zane.




After years... ngayon lang ako nakabalik rito even the tree house is still alive and I wonder kung nandoon pa bah ang iniwan ko. Siguro wala na 'noh? Ang tagal na noong huli ko itong nakita.


Wala na akong masyadong naaalala hanggang ngayon dahil sa mga gamot na ininom ko nang... Nevermind, I don't want to talk about it anyways.



I decided to go in the seaside. Alas nuebe pa lang sa umaga at napapalingon ako sa mga construction workers na nagbebuild ng small offoce building nina Daddy at Tito Zane. Nabanggit ko kay Zach na pupunta kami rito at sinabihan niya lang ako ng 'good luck' sa text.



Napahinga ako ng malalim at nang magsawa ang paningin ko sa dagat ay pumasok naman sa isipan kong gusto kong magtungo sa lumang tree house namin ni Zaniel noon. Ang tree house lang ang naalala ko sa lugar na 'to.



Medyo nahirapan ako sa pag- akyat dahil sa gibang hagdanan pero nakarating din naman sa pinakamataas. Napasimangot ako dahil mababagok ako kung tutuwid ako ng tayo kaya para akong tangang nakayuko habang naglalakad sa mga maliliit na cabinets sa gilid. Parang may mga pumasok na mga bata dito dahil ang mga cooking toys ko noon ay ang linis tingnan.



Umupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang litrato ko kasama si Zaniel at hindi ko kilalang dalawang babae na bata. Masasabi kong nasa eight years old pa ang edad ko sa picture at nakatwo- pigtails ang buhok ko habang hawak ang braso ni Zaniel at malawak ang ngiting tiningnan ang camera.




Natawa ako nang may makita akong maliliit na pictures ko sa loob ng isang cabinet at may nakaagaw sa pansin ko at 'yon ay ang may kasama akong ibang lalaki bukod kay Zaniel, napakunot ako at tiningnan ito nang mabuti.



"Teka... si Zach 'to ah?" nasambit ko, tiningnan ko pa nang mas mabuti ang litrato at hindi nga ako nagkamali! Si Zachariel ang kasama ko at kaakbay ko siya. Parang ang close namin tingnan! Nakakagulat 'yon dahil sinabi niya sa'kin na hindi siya nakatira rito noong bata siya kaya paano nangyari 'to?!




Pero infairness, kahit ang bata niya pa rito ay ang gwapo niya na at sobrang puti. Ten years old na ako dito sa litrato at twelve kay Zach dahil may dalawang taon kaming gap sa isa't- isa. Nakakapagtaka lalo na't wala na akong naaalala sa mga nangyari noon.


"Lara, may tao"


"Ano? Hala! paano siya nakapasok dito, William?"


"Hindi ko alam baka siya ang totoong may- ari sa punong- bahay na 'to"


"Patay! Lagot tayo ngayon dahil pinakialaman natin ang mga laruan niya, umuwi na tayo! Hayaan--" agad akong napalingon sa mga batang nagbubulungan sa likod ko.


"Hey... anong mga pangalan ninyo?" nakangiting tanong ko sa kanila, nakita kong napaawang ang bibig nung batang lalaki sa paglingon ko at binulungan bigla ang kasama niyang batang babae.


When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon