Chapter 45.
Need.
Halos buong araw ay wala akong ginawa kundi tumunganga sa loob ng opisina ko. Hindi ako kinakausap ni Talitha dahil sa takot na mapagalitan ko siya nang walang dahilan. Bakas na bakas naman sa mukha ko na hindi ko kayang ngumiti.
May meeting pero mas pinili kong manatili sa loob ng office ko kasama ang nakalatag na mga papeles sa harap ng desk ko. Pagod na akong umiyak... pagod na pagod na dahil na naman sa kaniya...
Niloko niya ako sa loob ng maraming buwan....
Natawa ako nang mapait at sinandal ang ulo sa chair na kinauupuan, inaalala ang mga gabing wala siya sa tabi ko. Sinasabi niyang trabaho ang palagi ang pupuntahan pero umuuwing lasing sa madaling araw. Nawalan ako ng oras para tanungin si Kuya Saross kung bakit siya naglalasing.
Pinikit ko ang aking mga mata nang may nagbabadyang luha lumabas dito. Napasinghot ako at napatingin sa pinto nang bumukas ito. I saw a worried face of my mom while peeking in the door. Oh please not now, Mom.
"Sweetie, can we talk?" mahinang tanong niya, pinahid ko ang mga luha na nahulog magkabilang pisngi ko at marahang umiling.
"Not now, Mommy" diretsang sagot ko habang nakaiwas ang tingin ko sa kaniya. Narinig ko siyang bumuntong- hininga.
"Please Hanael... sana mapatawad mo kami at ng Daddy mo... hindi niya sinasadyang sampalin---" 'di ko siyang hinayaang tapusin ang gusto niyang sabihin.
"Hindi sinasadya? Really Mommy? Hindi sinasadya ni Daddy na masampal ako nang ganoon kalakas?! Oh my gosh Mommy!" sarkastikong ani ko, dahil sa inis ay napatayo ako. "Nakita mo kung paano ako nasampal! Tapos sasabihin mong hindi 'yon sinasadya?! Bakit mo ginagawang bulag ang mga mata mo, Mommy?!" dagdag ko, napamasahe ako tungki ng ilong ko at tinalikuran siya.
"Sorry..." saad ng ina ko, akala ko aalis na siya pero nagsalita siya ulit. "Talk to your boyfriend, Hanael... para mahimasmasan ang init ng ulo mo. Sabay tayong uuwi mamaya, iwan mo na muna ang kotsesa basement..." 'yon lang at sinarado na niya ang pinto.
Talk to him? Hindi ko ata kayang kausapin lang siya, baka mabugbog ko pa siya na wala sa oras! Ang bastos at manlolokong 'yon!
Tiningnan ko ang wrist watch ko at tanghali na at wala akong ganang kumain. Gusto ko lang tumunganga at walang gagawin, gusto kong sunugin lahat ng folders at papeles na nasa table pero hindi ko kayang gawin. Ang pumapasok lang sa isip ko ay bakit ako niloko ni Zachariel.
Crimsyn Melanthash Falem, siya lang naman ang papakasalan ng boyfriend kong manloloko sa susunod na buwan. Kaedad ko lang siya at napakainosente ng mukha nang magpakita siya sa mga news sa unang pagkakataon last month.
To tell the truth, naiinggit ako sa kagandahan niya. Hindi siya palangiti noong interviewhin siya nung mga reporters pero kahit ganoon, napakainosente pa rin ng mukha niya. I'm insecure as fvck!
Bumuntong- hininga ako sa pagkakatayo at napagdesisyunan na umupo ulit sa chair ko. 'Di na ako nagtataka kung bakit hindi na pumapasok si Talitha sa loob dahil hinulaan kong sinabihan na siya nila Mommy at Daddy na 'wag na muna akong kausapin at istorbohin. Well it's true, ayoko na munang may maingay sa loob.
Alas tres ng hapon ay doon na kumatok si Talitha para sabihan na pwede na akong umuwi kasama ang mga magulang ko. Nag- aalinlangan pa nga siya pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Alam kong may alam siya, mas gusto ko nalang hayaan siya sa nalaman.
BINABASA MO ANG
When Everything Changed (When Series #1)
RomancePublished: November 7, 2020 Finished: March 17, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series #1 Kaireen already knew the truth but the thing she want to know is who. Who was there beside her that night? Dalawang...