Author's Note:
Wala lang nag author's note lang ako, eh sa trip ko eh!
Lovelots guys! HAHAHAHA
Chapter Sixteen.
Justice.
"Kaireen Hanael Celestar! Where do you think you're going?" akma ko na talagang pihitin ang pinto mg bahay namin nang tawagin ako ng Daddy ko.
"Daddy naman eh! I will just go outside! To play Hilly" palusot ko at nakita ko namang tumaas ang isang kilay niya.
"Really? It's already dark and your dog is already sleeping in her cage" sagot naman ni Daddy. Humarap ako sa kanya. Edi gigisingin ko!
"Please Daddy, may kakausapin lang talaga ako sa labas. Please?" pagmamakaawa ko sa kanya pero lumapit lang siya sa'kin at binuhat ako. Ano bah yan!
"Let's just sleep baby, late na oh? You didn't noticed the time, don' you?" umiling naman ako. Kailan bah ako nagkaroon ng paki sa oras?
"I don't care about the time Daddy. Please let me go outside" sabi ko pero kinurot niya lang ang ilong ko.
"No Baby, you need to sleep early to grow fast" napanguso ako sa sinabi niya. Nang dalhin niya ako sa kwarto ko ay pinilit ko na siyang pinaalis. I'm just ten years old this time at ang bahay namin ay malapit sa dalampasigan.
Nang makalabas na si Daddy sa kwarto ko ay agad akong tumayo at nagtungo sa malaking bintana ng kwarto ko. Hindi naman masyadong mataas kaya pinaghirapan ko talagang bumaba gamit ang pagtalon.
Napahinga ako ng maluwag dahil ayos lang ang kalagayan ko, kung hindi idadala na naman ako a hospital kagaya nung nangyari last month, akala nila nabali na ang paa ko kakatalon para tumakas.
"I will go back here with a smile plastered on my face" nakangiting bulong ko sa sarili at tumakbo sa gate sa likod. Walang nakapansin sa'kin kaya malaya akong nakatakbo papunta sa bahay nila.
Nang makarating ako sa tree house namin ay este kay Zaniel pala, sa sobrang dilim ay may isang lalaking nakatalikod at alam ko na kung sino 'yon! Si Zaniel Xavriel! Ang lalaking crush na crush ko since grade 3 pa ako!
"Zaniel! Psstt!" tawag ko sa kanya, pero hindi siya umimik. Ang typical na ugali ni Zaniel! Na gustong- gusto ko naman!
"Makibahay muna ako ha? Sandali lang naman ako dahil may sasabihin at ibibigay ako" nakangiting saad ko at nilabas ko naman sa bulsa ang maliit na owl na keychain.
"Can you please go home?" natigilan ako dahil ibang boses ang narinig ko sa kanya. Anyare sa boses niya?
"No! I won't go home! Tanggapin mo muna si Owlnie!" pagmamaktol ko at nilagay sa harap niya ang owl na keychain na si Owlnie.
"Ugh! You silly kid" walang pag- asang sabi niya. Tumabi ako sa kanya at naramdaman ko ang pag- iinit ng pisnge ko nang magdikit ang braso namin.
"You're a kid too! Take care of Owlnie ha? My Tita said that owls are a lucky keychain so take care of her and when we see each other again, dapat nasa kamay mo pa si Owlnie" nakangiting sabi ko. Hindi na naman siya umimik at hinayaan ko lang ang oras na tumakbo habanh tahimik kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
When Everything Changed (When Series #1)
RomancePublished: November 7, 2020 Finished: March 17, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series #1 Kaireen already knew the truth but the thing she want to know is who. Who was there beside her that night? Dalawang...