Twenty- Nine

294 13 1
                                    

Chapter 29.

Grapes.




Panay ang yuko ko habang kumakain ng isang vanilla ice cream. Tingin doon, tingin dito, para na akong tangang hindi mapakali sa inuupuan ko. Pinilit ko ang sarili kong 'wag mapatingin sa gawi nila Tito Ronel dahil katabi niya si Zachariel. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong huminga nang malalim.




Nang dumating siya ay sakto ring dumating rin ang mga pagkain na in- order nila Tita. I felt something strange inside me when he laughed while looking to Tito Ronel. What is this feeling? Hindi ko alam!




Tahimik lang ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ng ice cream. Masarap siya at creamy kaya gumagaan ang pakiramdam ko kapag nalalasahan ko na ang pagkacreamy nito. Abala sa pagkain si Kuya Veron at Queco. Si Ate Nica ay sinali nila Tita sa usapan nila Zachariel.




"Right Kaireen?" I blinked twice when I heard my name from Ate Nica, she's smiling na parang nagtatanong.




"Uhhh...what?" wala sa wisyong tanong ko. Hindi ko naman kasi masyadong narinig ang pinag- uusapan nila o baka pre- occupied lang talaga ang utak ko dahil sa lalaking may- ari ng restau na 'to.





"'Di bah kilala mo siya? He's your escort noong nagdebut ka, remember?" nakangiti siyang bumaling kay Zachariel na umiinom na ng tubig.





"Ahhh... Oo I... k-kilala ko s-siya" nautal pa talaga ako sa pagsagot. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatingin sa kaniya na nakatitig rin sa akin ngayon. Kalma lang Kai, tao 'yan hindi ka niya kakagatin.






"Pero iba ang pangalan na ipinakilala mo sa amin noon" sumabat na si Queco na nagpupunas na ng napkin sa labi niya.






"Yeah, did you change your name?" dagdag na tanong ni Kuya Veron saka uminom ng juice na katabi lang ng plato niya.




"I didn't" tipid na sagot niya, nakatitig pa rin siya sa'kin kaya nakaramdam na naman ako ng kakaiba sa pagtibok ng puso ko. Ako na ang nag- iwas ng tingin para mapakalma ang pagtibok nito.





"Oh? I thought Edrosh has a twin brother but Zachariel and Edrosh are only one person lang pala" sambit ni Ate Nica at tumawa pa ng mahina.






Hindi na siya nagsalita at hindi na tumitig sa akin kaya napabuntong- hininga ako. Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Ate Nica sa'kin. I looked at her with a questioning look. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko.





"Ngayon ko lang nalaman na ang gwapo niya pala pag malapitan" nanlaki ang mga mata ko sa ibinulong niya, medyo malapit kasi si Ate Nica sa kaniya kaya hindi na nakakapagtataka.




"Hindi naman siya mukhang gwapo" matabang na sagot ko. Siya naman ngayon ang napasinghap at inirapan ko ang reaksyon niya.







"What did you say? He's like a fallen angel from the clouds, ang ganda ng mga mata niya" pinuri niya pa talaga. Hay nako ewan ko nalang.




"Tao siya Ate hindi anghel" tamad na sabi ko, ngumuso siya at inirapan ako. Akala ko hindi na niya ako papansinin pero bumaling na naman siya sa'kin na may ngiti na nakakaasar.






"What?" taas ang dalawang kilay na tanong ko, mas lalong lumapad ang ngiti niya. Ano na namang problema ng Ate ko na ito? Matagal bago siya nakasagot kaya uminom na muna ako ng tubig.






"I think you like him" sa sinabi niya na 'yon ay naibuga ko ng kaunti ang tubig na galing sa bibig ko. I immediately stand up para hindi mabasa ang damit ko pero huli na dahil nabasa na ang bandang dibdib ko.






When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon