Three

938 25 0
                                    

Chapter Three.

Coincidence




"Sumasakit na ulo ko..." reklamo ni Tessa habang iniinom ang beer niya, tinawanan lang siya ni Weshia.



"Lasing na rin ako...." reklamo rin ni Patricia na katabi ko ngayon. Di ko alam pero di pa rin ako nalalasing kagaya ni Weshia.



Nandito kaming lima sa condo ni Weshia at naisipan niyang uminom kami at heto at lasing na ang dalawa. Mababa ang tolerance ko pero nakasampung baso na ako ay okay pa rin ang ulo ko.



"Oh ikaw Kai? Lasing ka na?" tanong sa'kin ni Weshia at umiling ako, ngumiti.



"Talaga? Akala ko kasi lasing ka na" saad ni Leria sa'kin at tumabi naman ako sakanya.



"Di ko nga rin alam bakit di pa ako lasing" sagot ko sa kanya. Juice lang ang ininom ni Leria dahil hindi siya pwedeng umuwi na amoy alak baka masabi ni Tita Lexi na bad influence kami na mga kaibigan.



"Pero Hahahahahahahahaha alam ninyo guys!" biglang sigaw ni Tessa at napatingin kami sa kanya. "Sinagot na ako ni Kiel! Wohoo! Saktong- sakto nagcecelebrate tayo ngayon!" dagdag niya at humalagapak naman sa tawa si Patricia. Halatang lasing na ang mga timang.




"Bakit ikaw ang sinagot? Wahahhahaha tinuloy mo talaga ang panliligaw sa lalaking yun ha? China oil sinagot na" natatawang saad ni Patricia na pulang pula na ngayon ang mukha. Mabuti nalang at weekend na naman bukas.




Lunes huli kong nakita si Zaniel sa mall at sa sumunod na araw ay nakikita ko lang siya sa cafeteria kasama si Chia at iba pa niyang kaibigan. Nakakapanlumo at di na niya ako pinapansin. Kailan ka ba pinansin nun, Hanael? Eh sa titig lang ang magawa niya sa'yo. Tinungga ko na lahat ng nasa bote at lasang- lasa ko ang pait at anghang na yun. I am wearing a high- waisted jeans at white crop- top na may letter sa gitna na 'K' at nakasuot ako ng flat white shoes.



"Wow grabe ka na uminom ngayon Kai ah? May pinagdadaanan gurl?" tanong ni Weshia pagkatapos kong inumin ang alak.



"Yah! Parang may pinagdadaanan yang babaeng yan! Eh minsan lang umiimik sa klase at nakatsulala pa shiya hahahaha parang shiyang tanga!" sagot ni Patrcia na nabubulol pa.




"Wala akong pinagdadaanan noh!" dagdag ko at tinaasan naman ako ng kilay ni Weshia.



"Weh? Spill the beans gurl, huli ka na sa akto noh" interesanting saad ni Weshia habang nilalaro ang baso na may lamang alak sa kaliwanh kamay niya.



"Ewan ko sa inyo! Wala nga akong pinagdadaanan" pagdedepensa ko at tinawanan lang ako ni Tessa at Patricia. Pvcha! Para na silang mga baliw!



"Ano naman itong nalaman ko kay Conor?" tanong ni Tessa.


"Na ano?" tanong rin ni Pat.


"Na kakilala mo raw yung gwapong guy na nakita natin last week sa kainan" saad ni Tessa at nanlaki naman ang mata ko. Ano?! Paano nalaman ni Queco na kakilala ko si Zaniel?! Puting naman oh!



"Naniwala ka naman?" masungit na tanong ko at natawa lang silang apat.



"Hahahaha aminin mo na kasi girl! Kaya ka lumipat sa section ko para lumayo sa kababata mo" pang- aasar ni Patricia Takte! nahuli na ako sa akto! Pvcha!



"Kababata mo siya Kaireen?" tanong ni Leria at inirapan ko lang siya.



"Ano kaya ang reason bakita ka lumipat, HAHAHAHAHA baka may love history kayo nun. Owemji! Gusto ko atang malaman" nang- aasar na rin si Weshia.



When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon