Twenty- Six

300 12 1
                                    

Chapter 26.

Reason.






"Hahayaan bah natin siya na ganyan lang?" nagtatakang tanong ni Tessa habang nakasandal sa pader ng kwarto. Nakasuot siya ng black jeans at white crop- top, ang medyo kulot na buhok niya ay hanggang balikat nalang ang haba. Ang cool niya tingnan!






Nakatali pa rin ako sa upuan at hindi talaga ako makapaniwala! Matapos na paputokin ang confetti na dala ni Pat at batiin ako sa pagbabalik ko ay naging seryuso sila bigla!







Ang apat na lalaki na nagdala sa'kin rito ay sila Zaniel, Eduard, Queco at hindi rin ako makapaniwala na kasama nila si Kuya Saross. Lumabas silang apat para sundoin si Chia, 'yon ang narinig ko sa usapan nila.






"We should atleast unleash her-----" pinutol ni Pat si Leria.





"No! wag mong tanggalin ang mga tali ng babaeng 'yan, deserve niya 'yan! Iniwan niya tayo!" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Patricia. She's wearing an office uniform like me, pencil skirt and a loose upper polo, her straight hair became so long na kung huhulaan ko ay hanggang puwet na niya!







"Don't be too O.A. Patricia, she has the reason why she leave and I hope that reason would be valid" nakangiwing tugon ni Weshia na nakashorts at T- shirt lang ngayon, ganoon pa rin ang buhok niya.... wavy na medyo mahaba.





"Sana nga matanggap natin ang rason niya" tipid na ani ni Tessa na naglalakad na papunta sa'kin.








"Bakit mo nga bah kami iniwan pagkatapos ng graduation ninyo sa high school?" seryusong tanong sa'kin ni Tessa. Sa loob ng anim na taon ay si Chia at Weshia lang ang madalas kong nakikita gaya ng sabi ko.





"Ano...." hindi ko naman alam kung anong katanggap- tanggap na rason ang sasabihin ko sa kanila dahil ang isa sa mga rason ko ay iwasan 'yong kapatid ni Zaniel. Nasaan kaya siya? Kasama bah siya nila rito?








"Anong 'ano'? Bakit Kaireen? Hindi ka man lang nakapagpaalam sa'min ng maayos" nagsalubong ang dalawang kilay ni Leria habang sinasabi niya 'yon. Yes they're happy that I came back but they need my reasons and it should be valid...








"Sorry...." napayuko ako. "Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ninyo ngayon kaya sorry..." paumanhin ko habang nakayuko pa rin.









"Even me and Metichia doesn't know your reasons Kai and hindi ka na namin maiintindihan, are you avoiding someone?" dahan- dahang umangat ang ulo ko kay Weshia na may nag- aalala nang mukha. To answer her question... yes may iniiwasan ako.










"No I'm not" pagsisinungaling ko, I heard all of them sighed. "I'm really very sorry... hindi ko pa masasabi sa inyo kung bakit ako umalis bigla anim na taon na ang lumipas..." dagdag ko.






"Si Patricia 'yong iyak nang iyak nung bigla kang umalis, pinilit niya ang Mommy niya na sundan ka but your mother told us you wanted to be alone that time...." wika ni Tessa, napatingin ako kay Pat na nakaiwas na ang tingin sa'kin.








"What?-----" pinutol niya ako.






"Wag mo nang sabihin ang lahat Tessa, wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao" malamig na ani niya at dire- diretsong nagtungo sa pintoan ng kwarto. "Sana katanggap- tanggap 'yang rason mo Kaireen dahil ayoko ng taong sinungaling" sabi niya bago lumabas.





When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon