Forty- Eight

380 15 0
                                    

Chapter 48.

Tell.

Talaga bang mahirap magmove- on sa taong mahal mo pa? O sadyang ginagawa ko lang talagang tanga ang sarili ko na hindi ko na siya mahal? Kaya nga tinatawag na 'move on' dahil gusto ko siyang kalimutan pero pagkatapos ng nangyari sa resort ay hindi na siya mawala- wala sa isip ko!



"Peste... paano na bah 'to?" bulong ko sa sarili. Tiningnan ko si Talitha na tumatawa pa habang may katawag sa telepono ng company. Sino naman ang kausap niya?



Napabuntong- hininga nalang ako nang  mapagtanto na tapos ko na ang trabaho sa mga papers at ang gagawin ko nalang ay bibisitahin ang site para tingnan kung ano na ang ganap doon. Tumayo ako at doon ko na naagaw ang pansin ni Talitha.



"You're done?" tumango ako sa tanong niya, napatingin siya wrist watch niya at napataas ang isang kilay. "Ibig niyong sabihin ay pupunta na kayo sa site? Iiwan niyo po ako rito?" tumango ulit ako.




"I want to go there alone, you don't have to come with me" ngumiwi naman siya tumayo na rin. "Swear Talitha! Kaya kong mag- isa! I can go there alone, just finish your works please?" hindi pa rin nawala ang ngiwi sa mukha niya nang umupo siya ulit.



"If anything happens there, just call me. Immediately" inirapan ko siya.


"Bakit ikaw pa ata ang boss sa ating dalawa? Tigilan mo ako Talitha, alam kong ayaw mo rin akong samahan dahil may pinagkakaabalahan ka na sa buhay mo at panigurado akong lalaki 'yon. Bye and Take care" 'di ko na siya hinayaang magsalita dahil nasarado ko na ang pinto.



Tamad akong sumakay sa kotse ko at dire- diretso ang byahe papuntang site namin. Alas dos pa lang ng hapon ngayon at kalahating oras akong nakaupo sa kotse. Nang nakarating ako ay agad akong binati ng mga workers at ngininginitian ko lang sila.



Pasalamat ako nakaflat shoes ako ngayon dahil ayaw ko nang mangyari ang nangyari last week! I was wearing my three inch high heels that time at dahil sa kabobohan ko ay nakalimutan kong buhangin pala ang tatapakan ko! That was so embarassing!



"Kamusta dito, Tito?" I asked Tito Ronel, siya ang inaassign ko rito dahil mapagkakatiwalaan talaga si Tito kapag pagpapatayo ng building ang pag- uusapan. He smiled at me while removing the white safety hat from his head.


"It was all fine, hija. After three months of building this huge hotel ay nasa ikatlong palapag na ang inaasikaso namin" tumatango naman ako.


"That's good to hear, Tito" tugon ko.


"How's work in office, by the way?" pag- iiba niya sa usapan, patago naman akong napairap. Same as usual, hindi nakakapagod



"Ayos lang rin, walang pinagbago" tipid na sagot ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang may makita akong pamilyar na bulto ng isang nakatalikod na lalaki na may suot na safety hat sa ulo niya. "Tito, why is that businessman here?" nagtatakang tanong ko.


"Oh? I was about to tell you that mister Theofil is starting to take care of his new restaurant to our hotel" natatawa pa si Tito kahit wala namang nakakatawa. Napaawang ang bibig ko nang mapalingon siya sa'min. "You can talk to him, hija about his restaurant. I'll just go, talk to his father" wala sa sarili akong napatango. Iniwan nga ako ni Tito at ngayon ko lang nakita si Tito Zane na may kausap na workers.




Iniwas ko kaagad ang tingin ko nang mapatitig na talaga si Zachariel sa'kin. Nagmadali akong nagtungo sa office building nila Tito at nilagay ang dala kong bag sa table ko. Oo may table ako rito dahil gusto ko ring tumambay dito kung may panahon ako.



When Everything Changed (When Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon