Chapter Seventeen.
Bestow.
"Hey Yaro Veleir's sister" halos dalawang buwan na nang hindi kami magpansinan ni Eduard at hindi pa rin gising si Khairo. Kinasuhan na namin si Lana, ang malanding babae. Sampung taon daw makukulong ang malandi dahil attempted murder ang ginawa nito.
"What do you want Eduardo?" wala sa mood na tugon ko at umugong naman ang boses niya na hindi sang- ayon sa tinawag ko.
"Oh please, I already told you that don't call me 'Eduardo'" nakangiwing sabi niya, napairap naman ako.
"Oh did you?" I asked pretendong that I didn't know, muli ako napairap. "Let's get straight to the point, Eduard. What do you want?" tanong ko.
"Bakit di na pansinan sa pansin ko?" agad namang kumunot ang noo ko. What the F is he saying? Napansin niyang di ko naintindihan ang sinabi niya. "Arggghh! I'm trying hard to learn! I just noticed that you are keeping distance from my cousin"
"And do you care about that?" nakataas kilay na tanong ko, inosente niya akong tiningnan.
"No I don't care about that" depensa niya. Eh bakit niya tinatanong? Ganda rin kausap nitong pinsan ni Zaniel eh.
"Then mind your own business, Tsh" sabi ko at nakita ko siyang ngumuso. I am not the one who's keeping distance, it's Him.
Nasa cafeteria na naman kami ngayon, si Patricia ay nasa restroom kasama sila Dwellie. At ang isa namang asungot ay nasa tabi ko. Letse! Nakakailang ang presensya niya lalo na't tahimik lang siya sa tabi ko. Biglang dumating si Queco na nakangising- aso.
"Wow may boyfriend ka na pala, Kaireen? Isusumbong kita sa Ate mo" nagbabantay nga siya pero nakangiti naman. Ang sarap untogin rin nitong pinsan ko.
"Sorry but I'm not her boyfriend. She's already taken by my cousin" nanlaki ang mga mata ki sa sinabi ni Eduard.
"Ano? Kayo na ni Zaniel?" nagtatakang tanong ni Queco. Humarap naman ako sa kanya.
"No! That's not what he meant okay?! Wala pa akong boyfriend! He's lying Queco! That jerk is lying!" depensa ko napangisi lang silang dalawa. Oh my gosh! I really hate attentions!
"Ay galit, kapag galit totoo" pang- aasar ni Queco at wala sa sariling nahampas ko ang braso niya. Peste!
"Tumahimik na nga lang kasi kayong dalawa! Untogin ko kayo dyan eh!" sigaw ko at natawa lang sila.
"Anong ginagawa ninyo sa kaibigan ko? Ha?" natigilan ang dalawang lalaki na kasama ko nang marinig nila ang boses ni Patricia.
"Hala nandito na ang bruha....." bulong ni Queco.
"Anong bruha?! Sa ganda kong 'to?! Tatawagin mo ako ng bruha?! Ikaw naman demonyo! Kanang kamay ni Satanas!" mukhang di napansin ni Pat ang katabi ko na si Eduard dahil pinagtuonan niya ng pansin ang pinsan ko.
"Wow! Ako pala si Lucifer! Baka si Eduard ang Satanas" puno ng sarkasmo ang boses ni Queco. Si Pat naman ngayon ang natigilan at dahan- dahang napatingin sa tabi ko.
"Hi there Haizel" bati ni Eduard, namula ang pisngi ni Pat. Natahimik kaming apat pero binasag iyon ni Dwellie.
"Owemji! Sabay ka namin maglunch Eduard?" natutuwang tanong ni Dwellie, napangiti naman si Eduard.
BINABASA MO ANG
When Everything Changed (When Series #1)
RomancePublished: November 7, 2020 Finished: March 17, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series #1 Kaireen already knew the truth but the thing she want to know is who. Who was there beside her that night? Dalawang...