BELLA
At this point, everything are going back to zero. It's like starting all over again for me.
I ignored everyone. I avoided them all, the three girls I'm starting to get close to and also Alex & Rufford's group.
Elionir is no exception. We're even seatmates sa halos lahat ng klase namin pero kahit ni katiting na sulyap ay hindi niya ginawa.
Kung noon ay madali lang 'to para sa 'kin, ngayon ay nahihirapan na ako.
I couldn't even look at them. Ni hindi ko sila matapunan ng tingin dahil alam kong kapag makita ko lang silang nalulungkot, kikirot 'tong puso ko.
Baka nga hindi ko sila matiis.
I really am a gutless, pathetic person. Hindi ko matanggap sa sarili ko na takot na naman ako.
Takot ako na hindi nila ako tanggapin. Takot ako na mawala sila kapag nalaman nila ang nakaraan ko. Mas lalong takot ako na makita nila at malaman nila ang totoong ako.
Sabi ni lola, hindi raw ako takot na magkaroon ng kaibigan. Takot daw ako na baka hindi pala talaga kaibigan ang turing nila sa akin. Takot ako na iwan at talikuran ng mga taong tinuring kong kaibigan.
Trust issues.
Noon pa lang, iyan na ang laging pinoproblema ko. Lahat kasi ng naging malapit sa akin noon ay sinisiraan pala ako ng palihim. Lahat nalang nang-iiwan sa ere. Lahat nalang, hindi na mapagkakatiwalaan.
Kahit nga sila kuya at papa, pinili akong iwan.
Mahirap ba akong mahalin?
Behind this emotionless face lies a scared person with messed up emotions.
I can still remember how the girls approached me with wide smiles. Excited silang magkuwento sa akin ng kung anu-ano pero lumayo ako at sinabing ayoko munang makipag-usap sa kanila.
"Ang harsh mo naman, Belle! That's not the right way to handle your situation!" panunuway ni Frans—childhood friend ko.
Nandito kami sa Marrison University. Isa sa mga sikat na University dito sa amin. They're the rival school of Ropspike University kung saan ako nag-aaral.
We decided to watch Sebastian's game since our close friend, Havinn, invited us. Ngayon ko lang nalaman na isa sa Dashwood Brothers ang boyfriend niya ngayon. Kung sino iyon, ayaw niyang sabihin sa akin.
Sikat ang Dashwood Brothers sa amin. Kasamahan sila ni Sebastian sa soccer team.
"Nicholas Dashwood and Zachary Dashwood," turo ni Frans sa dalawang lalaki na kausap ni Havinn ngayon, respectively.
"Pustahan tayo kung sino d'yan ang boyfriend ni Havinn?" hamon ni Frans.
"O tapos?" tanong ko. Naghihintay kasi ako kung anong mapapanalunan ng makatatama ng sagot.
"Right to choose songs na ipapatugtog pauwi," saad ni Frans with matching taas-baba ng kilay. Napangisi naman ako at tinanggap ang hamon niya.
Kapag kasi sa kotse niya ako sasakay, lagi kaming tutol sa playlist ng isa't-isa. While I'm into punk rock and alternative rock, siya naman puro nightcore pinapatugtog. Common interest lang namin ay One Direction and Taylor Swift. Kapag feel namin makinig ng kpop songs, it's either Pentagon's songs or EXO's.
"Nicholas!"/"Zachary!"
Malakas na tumawa si Frans habang napangiti lamang ako nang sabay kaming sumigaw kung sino sa dalawa ang feel naming boyfriend ni Havinn.
"Sus, si Nicholas na 'yan! Kita mo kung pano sila magtitigan ni Havinn?" saad ni Frans sa akin pero umiling lang ako.
"Feel ko si Zachary. Mas kita na close sila at komportable sa isa't-isa," pagbibigay-opinyon ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...