BELLA
Umaga pa lang ay bwisit na bwisit na talaga ako sa mga panunukso ni Kiara. Sumali pa sila Steph at Naomi kaya mas lalong umingay.
"I'm dead serious! Para akong nanonood ng Kdrama. Kinilig talaga ako sa kanilang dalawa ni Sebastian. Bagay talaga kayo Bella!" napairap nalang ako sa panunukso ni Kiara. Bigla na naman silang tumili. Hindi ko na lang sila pinansin kasi nakakairita talagang pakinggan.
"Eto naman, biro lang." napahampas na lang ako sa braso ni Kiara. Subukan niyang tumili ulit at hindi lang hampas ang makukuha niya.
Nang bumalik ako sa upuan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Elionir. Gustuhin ko mang iwasan siya ay hindi ko magawa dahil magkatabi kami sa halos klase. Naging tahimik siya simula nung iniwanan ko siya sa mall. Hindi na niya ako kinikibo. Alam ko naman na napakarude talaga ng ginawa ko at pinagsisisihan ko naman iyon kaso wala talaga akong lakas ng loob na kumausap sa kanya.
Minsan nakakalimutan ko na hindi pa pala kami nagkakaayos. May mga times kasi na natatanong ko siya ng mga simpleng tanong tulad ng "May klase ba tayo?" or "Wala bang prof?". Hindi naman niya ako sinasagot. Binabalewala niya lang ako. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako rin ang nasa pwesto niya nung araw na iyon, siguradong magtatampo talaga ako.
Two weeks left na lang at magaganap na ang Freshie's Night, I'm still contemplating kung sasali ba ako sa dance competition o hindi.
"Oh ano na Montecarlos? Sasali ka? Kasi first practice mamaya." napatingin lamang ako kay Risa. Isa siya sa mga naging kakompetensya naming noon sa sayaw. Magkakilala na kami noon pa pero hindi nga lang masyadong close dahil ibang school siya.
Hindi ko nga inakalang papansinin niya ako. Grabe kasi ang tension between our schools eh. Buti na lang at parang outgoing naman itong si Risa.
"Basta pumunta ka lang kapag sasali ka ha." kumindat siya sa akin at umalis na.
Pagkatapos ng ilang pangungumbinsi nila Steph, Naomi, at Kiara sa akin ay napapayag na rin nila akong sumali. Ito kasi ang isa sa mga nilo-look forward ko sa college life ko.
Lunchtime na at nasa canteen kami ngayon. Nakita ko si Risa na malapit lang kung saan ang pwesto namin kaya pumunta na ako sa table niya. Nahihiya akong i-approach siya kasi may mga kasama siya kaso nakita na niya ako eh.
"Risa..."
"Schoolmate pala tayo? Ayos ha!" napatingin ako sa mga lalaking kasama ni Risa at namukhaan ko naman sila. Mga kasama niya ito sa dance team.
"Sasali ka ba sa dance competition? Ayos mas gagana ang practice kasi mayroon ka." pagbibiro ng isa. Binatukan naman siya ni Risa.
"Ano ka ba naweweirduhan na siya sa 'yo." pagkatapos niyang kausapin ang lalaki ay ako naman ang hinarap niya. "Sasali ka? Isusulat ko na ang pangalan mo sa listahan." kumawala ng isang magandang ngiti si Risa kaya napangiti na rin ako.
Dahil nga magkakilala naman kami ni Risa noon sa isang dance competition, hindi na niya ako pina-audition. Well, talk about injustice.
"No, Risa. Fair and square, mag a-audition ako."
"Sus, gusto mo lang ipakita sa amin na your dancing skills are as outstanding as your looks." tawang-tawang sabi ni Risa.
"Fine." I told her. Talo ako eh. I don't want them to think like that.
10 members minimum and 15 members maximum ang para sa dance competition, and sad to say, we're still seven.
---
The whole class, I keep on glancing kay Elionir. I wanted to apologize for being rude sa kanya.
Ano bang sasabihin ko sa kanya? How should I start?
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...