Chapter 8

303 28 31
                                    

I dedicate this Chapter to @PutchentaDeLechePlan. Thank you so much for reading my story. Ikaw naman nagpapakilig saken yieee here's an update for you!


BELLA

Maaga akong pumasok ngayong araw. Sabi ko kasi kay Sebastian, kakausapin ko siya ng maaga dahil mamaya ay siguradong busy na ang lahat sa paghahanda for Freshie's Night. Bukas na kasi ang event.

Naisipan kong hintayin siya dito sa may tapat ng classroom nila for their first class. Habang nagbabasa ng libro, biglang may tumabi sa akin.

"Sebastian." sabi ko pagkatapos ko siyang lingunin. I guess that was my way of greeting him.

"Bella." pagbabalik-bati niya.

Tama bang humingi ako ng tulong sa kanya? At bakit siya ang hiningan ko ng tulong?

Siguro dahil kilala niya ang pamilya ko?

"Anong event ang sinalihan mo?" tanong ko. I mentally ask myself kung bakit hindi nalang ako diretsong humingi ng tulong.

"Basketball." wika niya. Napatango lang ako. Bakit ba ang hirap humingi ng tulong?

"Goodluck." sabi ko na lang. I hate how I sound so awkward. Alam kong alam ni Sebastian na may sasabihin pa ako, pero hindi niya ako pinilit. Hinihintay niya lang akong magsalita.
I can't. I can't do this.

"I'm sorry Sebastian, but I don't think I need help from anybody. I can handle."

Naalala ko pa kung anong nasabi ko sa kanya noon, na hindi ko kailangan ng tulong. Alam niya ang problema ko. Alam niya na iniwan ako ng pamilya ko. At mas lalong alam niya na gusto ko silang hanapin. Kaya nga sinabi niya noon na gusto niyang tumulong. But I straight up rejected him.

I'm a different person now because of what I've experienced. Marami akong nalaman, napagtanto at natutunan.

I became distant, uncaring, but never proud.

"Naalala mo ba iyong sinabi kong I don't need help from anybody dahil I can handle it naman?" tanong ko habang nakayuko at nakatingin lang sa sahig. Nakahawak ang kamay ko sa gilid ng inuupuan ko.

Hindi ko man lang siya matignan sa mga mata. I breathed, pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.

"It was a lie. Alam ko."

Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya.

"Kung hihingi ka man lang ng tulong, can you atleast look me in the eye?" wika niya pagkatapos bitawan ang mukha ko. Awtomatikong napatingin naman ako sa mga mata niya.

While staring into each other's eyes, I remember the same pair I saw before. I remember the kid who owns it. The kid I used to play with.

"Hello, bakit ikaw lang mag-isa dito?" umupo ako sa harap niya. Nasa likod kami ng isang puno at nakaupo siya habang nakayuko.

"Hala, umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya. Naririnig ko kasi ang mahinang hikbi niya.

Nang tumingala siya ay nakita kong basang-basa ng luha ang mga mata niya. Pero kahit puno ito ng luha, I find his brown eyes beautiful. Like it was the most beautiful pair of eyes I ever saw in my life.

"Tahan na. Halika, laro nalang tayo!" sabi ko pagkatapos ay hinatak siya sa may seesaw.

Pero noon iyon. We were still kids. Madali pa akong nagtitiwala noon.

Should I trust him now? After everything that's happened, magtitiwala pa ba ako?

"Goodluck sa laro mo bukas."

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon