©chxrry.pie ⬆⬆⬆
BELLA
"Hindi ka ba tatawid, Belle?" Napahakbang ako paabante dahil sa sinabi ni Sir Rex pero bigla akong napabalik paatras.
Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala nakagreen ang traffic light—hudyat na 'go' sa mga sasakyan— at si sir Rex ang humila sa akin.
"Magpapakamatay ka ba?" kalmado niyang tanong. Pinagtitinginan kami ngayon ng maraming tao na halos mga studyante dahil nakahawak pa rin siya sa wrist ko. How can he be so calm when they're suspiciously looking at the both of us?
Bigla kong binawi ang pulsuhan ko sa pagkakahawak niya. Ayokong ma-misinterpret nila kaya napayuko nalang ako.
"HAY NAKO BELLA, PAPAGALITAN TALAGA AKO NG KUYA MO KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA IYO KANINA." sabi niya in a loud voice, sakto lang na marinig ng mga studyanteng dumadaan at ng mga kanina pa nakatingin sa amin. Dahil doon, nawala na ang mga malalansang tingin nila.
Pero anong sabi niya? K-kuya ko?
I lifted my head para tanungin sana si Sir Rex kaso bigla na lang siyang tumawid. Hinabol ko siya pero nabigo ako dahil nawala na siya sa paningin ko. Nagdagsaan na kasi ang mga tao.
Hindi naman siguro ime-mention ni sir Rex ang kuya ko kung hindi niya ito kilala. Kung gayon nga, kilala niya ang kuya ko at baka may alam siya kung nasaan ito!
Wala akong pakealam kung sinong kuya ang tinutukoy niya. Kahit isa lang sa kanila ang makita ko Lord.
Please.
---
College Algebra. Hinihintay namin si Sir Rex kahit na 30 minutes na siyang late.
Umalis na nga ang kalahati sa klase. Ako naman ayaw munang lumabas kasi gusto ko talaga siyang makausap.
"Bella, labas na tayo. Wala daw tayong klase sa Philosophy." Steph informed us happily. Philosophy kasi ang last class namin ngayong araw.
"Halaaa, punta tayong Burger King! Libre ko!" pagyayaya ni Alexander. Masaya namang tumango sila Steph, Kiara at Naomi.
"Pass muna ako, may practice kami." pagpapaalam ni Elionir. Ngumiti muna siya sa akin bago umalis.
"Hala, ang lakas ng tibok ng puso ni Bella oh." bulong ni Naomi sa akin. Binigyan ko siya ng masamang tingin pero tumawa lamang siya.
Napabuntong-hininga nalang ako. Napapadalas na ang panunukso ni Naomi sa amin ni Elionir kahit na lagi kong sinasabi sa kanya na wala akong balak pumasok sa isang relasyon.
Naghintay kami ng ilang minuto bago kami umalis at pumuntang Burger King. Gusto ko talagang makausap si Sir eh, kaso absent siya ngayon.
Nagkwentuhan lang kaming lima. Kasama ko ngayon sila Alexander, Steph, Naomi at Rufford. Hindi nakasama si Kiara dahil biglaan siyang pinatawag sa department office namin.
"Sige na Bella, Perking Specs tayo bukas. Pleasee." pag-iimbita ni Alexander. Birthday kasi niya bukas at nagyaya siyang uminom.
"Oo nga Bella, maraming pogi doon." Steph seconded.
"Friday naman bukas eh. Please." dagdag naman ni Naomi.
Pinag-iisipan ko pa kung sasama ako sa kanila bukas oh hindi. Hindi kasi ako mahilig lumabas lalo na 'pag gabi. Mas lalong hindi ako mahilig uminom. Isa pa, bago ko pa lang sila nakilala.
"Patawad—" natigilan ako ng may biglang umupo sa tabi ni Steph. Nagkatinginan kami ni Elionir since magkaharap lang kami.
"Don't worry, pupunta ako. Trust me." he winked at me.
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...