Chapter 3

467 45 15
                                    

Saturday, nasa mall ako ngayon, alone.

Nahihirapan akong magdecide if I'll choose a tote bag or just a regular designer backpack.

As I was scanning, naramdaman kong may lalaking tumabi sa akin. Binalewala ko lang naman kasi it's only normal since this is a public place pero bigla akong napamove sa right ng lumapit pa siya. Binalewala ko nalang ulit but this time I actually stepped aside and tumingin sa kanya ng nagsalita na siya.

"Hey."

Wait, he seems familiar. He folded his arms like he was being shy and then avoided eye contact and I only realized that it's because matagal kasi akong nakatitig sa kanya.

Namula konti ang mukha niya but I don't know of he's blushing or namamalikmata lang ako.

"Do I know you?" I finally spoke. Nakakailang ang katahimikan eh.

"Right." He chuckled. Tumingin siya sa akin but then looked away.
"You still doesn't remember me." He added, jutting out his bottom lips.

Oh my gosh. It was as if all the pieces of the jigsaw puzzle was put together! Siya yung weird guy nung first day of school... and yung nakabangga sa akin the other day! Kaya pala he looks so familiar to me.

"Bakit mo ako kilala?" I asked, keeping my cool.

"Everyone knows you." He smirked. I tilted my head because I was agitated. I stared at him and rarely blink.

"That was first day of school." I felt my face tensed. Nobody knows me on the first day of school!

Umiling siya while smiling like an idiot. Back to being weird and a bit creepy again, mabuti nalang gwapo. Atleast he looks like he's just teasing me. Wala naman siguro siyang masamang balak diba?

I decided to leave kasi I was getting frustrated na but pinigilan niya ako.

"Wait, you're quite famous you know, sa social media." He said in a matter-of-fact tone.

Wait, really? If I'm not mistaken, I only got 5,000 followers sa Instagram and only 3,000 followers sa twitter. They're all private accounts pero sa twitter lang ako hindi nagfo-followback. Syempre doon ko pinapalabas lahat ng nararamdam ko noon. I do not want strangers to cringe sa mga kajejehan ko. Baka siguro naman nakilala niya ako sa Facebook? Or friends kami? I don't know. 

Famous na ba ako nun?

"I wasn't, so please leave me alone."

I walked away from him. Nakahinga naman ako ng malalim ng malamang hindi na niya ako sinundan. Good. I hope there won't be a next time, whoever he is.

Nakauwi ako sa bahay and agad na napasampal sa noo ko ng maalalang ang dahilan sa pagpunta ko sa mall ay para bumili ng bag tapos hindi pala ako nakabili. Umupo nalang ako sa couch at napahinga ng malalim. Ang tanga mo Belle!

"Belle, iha, pakitapon ng basura sa basurahan natin sa labas." Napatayo naman ako at nakitang nagluluto sina Lola at Ate Mai.

"Okay po la."

Pagkatapos kong itapon ang mga basura ay napaupo muna ako sa isang sirang swivel chair dito sa labas.

The cold wind blew my hair, making it messier than the usual, pero binalewala ko lang ito.

Naalala ko na naman kasi ang mga kapatid ko, lalo na si Issa. Nasaan kaya siya ngayon? Alam kaya ni Sir Rex kung nasaan siya ngayon?

Siguro nga. Siguro alam niya kung nasaan si Issa. I'll ask him on Monday.

Tumayo na ako upang pumasok kaso napalingon ako sa likod ng may naamoy na usok ng sigarilyo. Lumapit ako sa basurahan at may nakitang bagong tapon na sigarilyo. Huh? Wala namang tao kanina ah?

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon