Chapter 21

100 6 1
                                    

I dedicate this chapter to the first reader who voted on Chapter 20. Thank you so much!  Enjoy reading luvies!~

BELLA


A week has passed and everything's back to normal.

Well...

Except Elionir.

"Ako lang ba o parang pumayat talaga siya?" nagtatakang tanong ni Steph.

"Oo nga, pansin ko rin," sagot naman ni Kiara.

Sinundan ko ng tingin si Elionir. Kakakuha lang niya ng pagkain niya. Hawak-hawak ang tray, hindi man lang niya kami pinansin at nilagpasan niya lamang kami.

"Hey guys, what's up?"

Nabaling ang tingin namin sa lalaking bigla na lamang nagsalita habang dahan-dahang nilalagay ang tray niya sa table namin.

"Sinong tinitignan niyo? Ah, oo nga pala, tapos na kayo sa assignment natin? Paturo naman! Nakakainis kasi ang busy ko ngayon para sa darating na election, nakalimutan kong magresearch," sabi niya habang nginunguya ang pagkain niya.

Gusto ko sana siyang paalisin dahil halos lahat ng mga studyante ay nakatingin na sa table namin. God knows kung ano na naman ang iniisip nila ngayon.

Wala naman kaming magawa dahil ang daldal niya. Hindi kami makasingit sa pagsasalita. Paubos na nga ang pagkain namin pero siya ay hindi pa nangangalahati.

"By the way, I have something to say to Bella," he said then shifted his gaze on me. "May I speak with you in private?" he asked, emphasizing the last word.

The three of them gave me a look that's asking if I'm fine with it. Tumango na lang ako.

I don't trust this guy but we're in a crowded place. I doubt na sasaktan niya ako o may masama siyang gagawin sa akin.

Lumayo lang naman kami ng ilang distansya. Just enough na hindi kami marinig ng iba.

"Gaano ba kaimportante 'yan at kailangang ako lang makarinig?" inip kong tanong.

He smirked like he was amused.

"Sa 'kin ka lang ba ganito? Ba't parang naiinis ka lagi sa akin?" aniya.

"Lately, nagiging transparent ka na, ah. I wonder what changed. Is it because..?"

"Because?" putol ko. "If there's any reason, wala ka na non. It's none of your business,"

Napaangat ang isang kilay niya. "So you agree?"

Napairap na lang ako. Aciel really is this guy na you don't want to talk to. He plays with your mind.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Let's just get this over with because I wanted to leave already.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"I'm inviting you over to our house. It's my parents' anniversary. Frans wanted you to come,"

Pinanliitan ko siya ng mata. If that's true, ba't kailangang siya pa magsabi sa akin? Pwede namang si Frans?

He raised both of his hands.

"I know you're thinking why I'm the one inviting you, not Frans. She's busy with  the preparations kasi," he quickly slid a piece of paper to my pocket.

I glared at him. That was so unnecessary! Pwede naman niyang ibigay sa akin!

"You're a jerk," I told him pero hindi siya natinag. Ngumisi lang siya bago ako iniwan.

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon