Chapter 19

122 9 26
                                    

A short but special chapter, I guess? Basta, happy reading luvies! Don't forget to leave some comments hihi :*

R ✍️

BELLA

"Text lang kami kung saan tayo kakain," bilin nilang tatlo bago nila kami tuluyang iniwan.

"So..."

"So?"

Mabilis akong napayuko. Ayokong makita kung ano man ang ekpresyon niya ngayon. Nahihiya pa rin ako dahil sa mga pinagsasasabi ko noon.

"Stop doing things for me, Elionir. Stay away from me. Don't make it look like you care for me and please... get out of my life,"

"Salamat kanina Elionir but please, I don't want anything to do with you guys anymore,"

Naninindig ang mga balahibo ko. I can vividly remember our conversation, sumasakit na naman ang puso ko.

Natunugan kong hihingi siya ng patawad sa akin so I once again cut him off.

"I'm so sorr—"

"You don't have to," mahinahon kong sabi. This time, naglakas-loob na talaga akong tignan siya sa kanyang mga mata. "Ako dapat ang mag-sorry. I apologize for—"

"Apology accepted."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. That made me speechless. Ganoon lang ba kadali para sa kanya? Did I deserve to be forgiven that quick?

I was too confused to say anything. My mind went blank and I really have no idea what to say. Should I thank him for accepting my apology? Should I shake hands with him to sum things up?

"It doesn't matter what's in the past, Bella. If you meant what you said or not, I really don't care anymore. All I know is that I... I want to be part of your present," he stepped forward while I stood frozen. Hindi man lang ako makagalaw.

"I just wanted you to know that this is me trying," he leaned closer, not taking his eyes off of me.

Ang lapit na niya sa akin!

Awtomatikong napatingin ako sa labi niya kaya naramdaman kong umiinit na ang mukha ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin man lang. Ba't ba sa labi niya pa ako napatingin?

Nang inangat niya ang kamay niya patungo sa mukha ko ay bigla akong napapikit.

Nakakahiya! Anong gagawin ko dapat? Dapat ko ba siyang itulak? Kung tumakbo na lang kaya ako? Iiwas ba dapat ako?

Naramdaman ko ang mahina niyang pag-angat sa bag ko.

Eh?

"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Mabilis kong binuksan ang mga mata ko at ang bumungad sa akin ay ang naguguluhang mukha ni Elionir.

"I-Ikaw! Anong ginagawa mo?" pagbabalik ko ng tanong niya sa kanya.

"Inayos ko lang 'yong bag mo sa likod. Muntikan na kasing sumabit sa upuan eh. Hindi natin alam, baka may masira ka pa," sabi niya habang nakangisi.

Napalingon ako sa likod, pretending to check it pero deep inside gusto ko nang maglaho na lang ng parang bula.

Ano bang ginagawa ko kanina? Ba't bigla pa akong napapikit? Baka mag-assume s'ya na hinihintay kong—ah nevermind!

"Oh, nagtext na sila Kiara. Tara, gutom lang siguro yan," he grinned. He was hopping on his way to the exit while his hands are on his pockets.

Nakakainis! Baka ano na ang iniisip niya!

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon