I opened my book in Basic Accounting and nagreview ako. Okay lang naman sa akin ang mag review kasi tinuro na sa akin noon, I just have to recall everything but studying a new topic? Not okay.
Nakita ko ang Financial Accounting I na book sa mesa. I tried to study and konti lang talaga naintindihan ko. Some concepts are easy but yung iba hindi ko na maintindihan. I tried to solve problems pero hindi ko makuha. I even have a Practical Accounting book but I don't want to depend on it.
Nagsikap akong magstudy all by myself. Two weeks na ang nakakalipas and I'm improving. I even answered my prof nung natawag ako. Nagreview lang kasi kami sa Basic Accounting but it was a Financial Accounting I na class.
Sa minor subjects naman, easy lang din. Sa Algebra lang talaga ako nahirapan. Highschool pa lang napakabobo ko na talaga sa Math.
I couldn't cope with my prof sa Algebra. I take down notes pero yung iba hindi ko maintindihan. Nakukuha ko naman ang itinuturo ni prof pero kapag quiz na or exams? Maliit lang kuha ko.
"Montecarlos."
I couldn't look at my paper. I know I failed naman kaya there's no point in looking at a failed score.
Disappointed akong bumalik sa upuan ko, lalo na at disappointed rin ang tingin ni Sir Rex sa akin. Hindi naman kasi ako talaga magaling sa Math.
Common misconception when it comes to accounting. Sabi kasi nila kapag nag-accountancy ka, magaling ka raw sa math. That's a no. Accounting is more on analyzing and comprehension. Kung na gets mo na concept, solving the problem would be easy. The calculator would just do the magic. Basic accounting pa lang alam ko and I know mas complicated na ang higher level subjects like Advanced Financial Accounting, Managerial Accounting and etc. Sabi kasi ng iba, basa lang ng basa ng concepts and then practice. Solve as many problems as you can.
Sana naman makaproceed ako. Jusko.
I looked at Elionir's paper and namangha ng isa lang ang mali niya samantalang ako, anim. Nakakahiya.
Tumingin siya sa akin and was about to ask kung ano score ko but I looked away and nagpretend na may tinitignan sa labas.
Bakit ba 1pm itong Algebra ko? Inaantok ako kapag nagdidiscuss si Sir.
Natapos na ang Algebra and last subject namin ang Philosophy. Isa na namang nakakaantok na klase.
"Ms. Montecarlos, do you have a minute?" Napatigil ako at si Elionir ng marinig namin si Sir Rex na nagsalita. Tumingin si Elionir sa akin at sinenyasan ako na sa labas lang siya maghihintay.
Kailangan pa ba talaga niya akong hintayin?
Napairap ako sa kanya at pagkatapos lumapit kay prof. Nakapagtataka lang, ano kayang pag-uusapan namin?
"Are you related to Issa Montecarlos by any chance?" he asked habang may ginagawa sa phone niya.
Sumakit ang dibdib ko ng marinig ang pangalan na binanggit ni Sir Rex. Bakit niya kilala ang kapatid ko?
"Miss Montecarlos?" This time he lifted his face to look at me. Napakaseryoso ng tingin niya. I stood frozen. I can't even mutter a word. Lahat ng nangyari noon ay biglang nagflashback sa isipan ko.
"Are you okay Belle?" napaatras ako nang tumayo si Sir kaya nakabangga ako ng isang table. Napalingon naman ako sa pintuan ng biglang pumasok si Elionir at inalalayan ako.
Nakita kong inayos ni Sir Rex ang pagkakatayo niya at ng glasses niya. He looked at Elionir tapos sa akin.
"Study hard." he looked at me then shifted his eyes to Elionir. "Mr. Vergara, maybe you can teach Ms. Montecarlos, it seems like hindi siya sanay mag-aral ng mag-isa." then he went out of the room.
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...