BELLA
Napapadalas na ata ang pagpunta sa club ng mga blockmates ko. Lagi nila akong niyayaya pero lagi ko naman silang inaayawan kaya parang left out ako ngayon sa amin.
"P*ta talaga. May magandang chix taga Leumer Uni pero-" hindi na natuloy ni Alexander ang kwento niya sa nangyari kahapon sa club na pinuntahan nila kasi dumating na si Miss Mercedez.
As usual, lagi siyang nagpapaquiz after discussion at lagi niya akong pinapalead sa opening at closing prayer. Tingin na nga nila sa akin ay favorite ako ni Miss Mercedez kahit na kabaliktaran naman talaga.
Nakagawian na na kapag nagbabalik ng quiz papers si Miss Mercedez, tinatawag niya ito from highest to lowest. So far hindi pa ako natawag ng huli.
"Vergara. Perfect."
Pumalakpak naman ang mga kaklase ko dahil perfect si Elionir sa long quiz namin sa Algebra. Mapapamura ka nalang sa sobrang paghanga. Sana all.
Kinakabahan ako dahil hindi pa ako tinatawag. Napasulyap ako kay Elionir kasi naramdaman kong nakatingin siya akin.
Umiwas kaagad ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
He chuckled, "Bakit? Nakakasilaw ba ang kagwapuhan ko?"
Napapikit nalang ako dahil sa kayabangan niya. "Wow. Na perfect ka lang sa quiz feel mo na perfect ka na rin as a person." sabi ko without looking at him.
I didn't mean it. Gusto ko lang talaga siyang asarin.
I glanced at him at nakitang napasimangot siya. Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang dibdib and mouthed 'Ouch'.
Marami-rami na rin ang natawag kaya ramdam kong mababa talaga ang nakuha kong score. Sana hindi lowest.
"Montecarlos."
Nakayuko akong kumuha ng papel ko. Nakakahiya kasi ako ang lowest. Miss Mercedez gave me a disappointed look.
"Montecarlos, sunod-sunod na ang mababang markang nakukuha mo. Narinig ko mula sa ibang professors na you're doing good sa ibang subjects even you're majors. Except Algebra. Mukhang hindi mo ako siniseryoso." wika niya na naging dahilan ng pag-awang ng labi ng mga blockmates ko.
Kahit na nahihiya na ako ngayon na may halong inis dahil hindi naman necessary na sabihin niya iyon sa harap ng klase, pinanatili ko pa ring hindi magpakita ng kahit na anong ekspresyon sa mukha ko.
"If you keep this up, I'm afraid hindi ka magiging dean's lister this semester." she stifled a smirk.
I wonder, may nagawa ba ako sa kanya? Kung maka-asta kasi siya parang may ginawa akong masama sa kanya. Bakit ba laging ako ang tinitira niya? Kung galit siya sa akin, bakit naman?
I admit, I suck at Algebra. This is my second least favorite subject next to Statistics.
Kapag nag-aaral ako, choco lang naman eh. Naiintindihan ko naman ang mga na-discuss na pero bakit kapag may quiz or exam parang ang hirap ng binibigay niya?
"Understood." sabi ko nalang pagkatapos ay bumalik na sa upuan ko. Ang bigat sa puso.
Pagkatapos ng klase namin kay Miss Mercedez, bigla silang nagchikahan.
Kiara crossed her arms. "Hay nako Bella, nakakainis talaga 'yong best friend mo!"
Lumapit naman sila Alexander dahil sang-ayon sila sa sinabi ni Kiara.
"Alam mo, straight akong lowest last week pero hindi naman ako pinagalitan." umiling-iling si Rufford habang sinasabi iyon.
"Bobo ka kasi kaya hindi na sila nagulat." pang-aasar naman ni Alexander Kay Rufford.
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...