Happy reading, luvies ~ 💖
BELLA
I was left with no choice but to eat outside the school, alone.
Alam na ng lahat na hindi kami magkapatid ni Damian. Hindi ko alam kung sino ang nagpost sa socmed tungkol doon. Silang tatlo lang naman ang may alam eh, pero may kutob akong wala sa kanila ang gumawa 'non.
Dito ako sa Chinese restaurant kumain dahil konti lang ang kumakain dito. I glanced at the staff cleaning the table at napasapo ako sa noo ko ng magtama ang tingin namin.
Umiling siya at sinenyasan ang kasama niya. Maya-maya ay pinalitan siya sa pagliligpit at naglakad siya papunta sa akin.
Parang nawalan ako ng gana kumain. Mabilis kong inayos ang gamit ko upang umalis na sana pero napahinto ako ng hawakan niya 'ko sa braso.
"Let's talk, Leticia,"
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pag-aayos. Nang matapos ako ay tumayo ako pero napaupo ulit ako dahil hinatak niya ang kamay ko.
"You look like shit,"
"Oh really?!" singhal ko. Okay, I wasn't expecting to blow up here.
"Umayos ka nga. Paano mo sila matatalo kung ganito ka ka-vulnerable? You're weaker than I thought,"
"You don't know me!" I yelled at him.
"And you also don't know yourself, Leticia,"
Napapikit ako ng mariin. I was so frustrated! Hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't even know what to feel anymore. Hindi ko kayang i-contain 'tong lahat. Parang sasabog na yata ako!
Napansin kong napapatingin na ang ibang kasamahan ni Damian sa 'min. Mabuti nga at wala silang customers ngayon. Hindi rin naman ako magsisisigaw dito kung mayroon.
"Atleast eat a proper meal, you need energy to defeat your enemy,"
"You are my enemy! Ang sama-sama ng pamilya mo! Ba't ang gago niyo? Paano niyo nagawa sa 'kin 'to, ha? Hanggang ngayon ba 'di pa kayo pinapatahimik ng konsensya niyo?"
"Leticia, I am on your side,"
"Shut up!"
Marahas akong tumayo at iniwan siya pati ang pagkain kong 'di ko man lang nagalaw. Hindi pa naman ako nakakain ng agahan tapos nagskip ako ng lunch.
Hindi naman ako nagugutom. Ayoko na ngang pumasok eh kasi alam kong ako na naman ang pag-uusapan nila.
Ever since word got out about me lying, they assumed na in a relationship kami and only concealed it through lying na we're blood-related.
Ang daming pictures naming dalawa ang kumalat. Edi may evidence "kuno" sila na magjowa kami.
Ang malala, tinatawag akong malandi dahil nga ang dami ko raw nilalapitan na lalaki. They now added Damian na sa list ng guys na I'm flirting with daw. He's not included before since akala nila magkapatid kami.
Isa pa, they're calling me now a pathological liar.
Hindi ko na alam kung anong gagawin. I can't even eat. Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos. Hindi na ako nakakapag-aral ng mabuti.
Walking in the hallway is like walking in a floor full of nails with sharp daggers shooting at me in every side.
Walang kumausap sa akin buong araw. No one dared to.
The only conversation I had ay 'yong kanina with Damian. Nang matapos ang klase ko ngayong araw, mabilis akong umuwi at nagkulong na lang sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Taming The Beautiful One (TTBO #1)
Teen FictionThe story follows a college girl who instantly got famous with just a stolen picture of hers, calling her the Belle of the School. ~*~ She moved to a different place to move on and try to forget the past that broke her. While trying to adjust with h...