Chapter 17

129 11 8
                                    

Hello luvies! Forgive me, it was long overdue so here it is! A present for all of you~

Ps. dedicated to one of my readers. thank you for commenting luv :*

R ✍️

BELLA

Mabilis kong sinundan si Naomi. Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong may mangyayaring hindi maganda ngayon.

Hindi niya ako napansin dahil halos hindi na niya maalis ang tingin niya sa hawak niyang cellphone. Base sa ikinikilos niya, may tinatawagan siya pero hindi siya nito sinasagot.

Napahinto siya sa isang iskinita na walang katao-tao. Nakarinig ako ng yapak ng paa kaya mabilis akong napatago. Nang sumilip ako ay nakita ko siyang nakanganga at gulat na gulat. Maya-maya ay napatakip ako sa bibig ko nang makitang may nilapitan siyang lalaki na puro galos at sugat ang katawan. Sabog ang kanyang labi at ang gulo ng buhok niya.

"Ayos ka lang ba?" hindi niya mapakaling tanong.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anong nangyari sa kanya? H-hindi ba dapat siyang dalhin sa ospital?

"They're about to do something reckless kaya pinigilan ko sila,"

Napapikit si Damian ng hawakan niya ang labi niya.

"I wore a disguise kaya hindi nila ako nakilala kaya huwag kang mag-alala. I just find it stupid na they're doing things without the go signal of Sir Jorge. It was made clear to us na she must be unharmed before THAT day,"

Nanginig ang buong katawan ko ng magtama ang mga mata namin.

Bago pa man ako makita ni Naomi ay may humila na sa akin patago. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko kasabay ng pagsabi na huwag raw akong gumawa ng kahit na anong ingay.

"Sebastian," bulong ko. Hindi makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko.

"Sandali Damian, huwag ka munang gumalaw!" rinig kong sigaw ni Naomi.

Naramdaman kong patungo si Damian sa direksyon namin. Hindi ko alam kung bakit ayokong magkita kami kaya hinila ko na lang si Sebastian at mabilis na umalis papalayo sa kanila.

Nang makalayo na ay huminto na kami sa pagtakbo. Pareho kami ngayong hinahabol ang hininga namin.

Nabaling ang tingin ko sa kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Napansin niya rin ito kaya mabilis siyang napabitaw.

"Ba't ka ba umalis ng ikaw lang mag-isa?" he finally spoke. May halong pag-aalala ang tono ng boses niya.

Napasandal ako sa railings habang ang pawis ko ay tumatagaktak.

All this time, Naomi was just pretending at all. Magkakilala na pala sila ni Damian noon.

"Bilin ni lola na bantayan ka,"

"I'm not a child anymore," inis kong sabi.

Napabuntong-hininga naman siya. "Bella, hindi mo ako mapipigilan,"

My face remained expressionless. Even if I'm frustrated deep inside ay hindi ko iyon pinahalata.

Isa pa, the two of them were talking about something serious. Damian also mentioned Sir Jorge.

If my hunch is correct, binugbog niya ang mga tauhan ni Sir Jorge pero hindi siya nakatakas nang hindi nagagalusan.

Kung bakit niya ginawa iyon, pinigilan lang niya sila na gumawa ng bagay na walang permiso galing kay Sir Jorge.

Bakit napakapamilyar ng pangalang iyon?

"Bella? Iuuwi na kita,"

I blinked twice nang maalalang kasama ko pala si Sebastian. I was too drowned in my own thoughts kaya nakalimutan kong may kasama pala ako.

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon