Chapter 9

254 20 41
                                    

BELLA

"She what?!"

Lahat kami ay napalingon kay Kiara na ngayon ay nagpapanic. Nandito ako sa backstage kasi nagpasama siya sakin. Isa pa, isa ako sa tutulong sa paghahanda sa susuotin ng female icon namin. Wala akong choice kung hindi ang pumayag nalang.

"Sorry Kiara. Nagalit kasi siya sa amin dahil ayaw niya na kami ang magme-make up sa kanya. She said na on the way na daw ang make up artist niya but when her make up artist's team texted na they won't make it, she panicked kaya she tripped." pagpapaliwanag ng kasamahan ni Kiara na naghahandle rin sa mga icons.

Nasa clinic daw si Nichole kasi her feet's swollen. Also, she can't walk properly and the doctor advised na hindi siya pwedeng magsuot ng heels. Mas lalong hindi na siya pwedeng sumali sa Icons show-off.

Napasabunot si Kiara sa buhok niya. The others are also worried dahil wala pa silang nahahanap na substitute.

"Okay everyone, settle down. We'll find a substitute as soon as possible." wika ni Elionir.

Habang nagbibigay ng directions si Elionir kung sino at saan kami hahanap, biglang sumingit si Kiara.

"There's no need to go outside and search for a substitute..." pagsisimula niya. Nakita kong sumulyap siya sa akin kaya my heart skipped a beat.

"Bella, can you be our female icon? Please?" Kiara begged. All their eyes shifted to me.

Napatingin ako kay Elionir. He knows na I'm not into this kind of stuff.

I can't do it. I can't walk infront of many people and smile. Hindi ko pa iyon nasusubukan.

"Kiara, we talked about this. I don't know how to walk or even smile. I'm like, the most unqualified here." depensa ko. Totoo naman eh. I'm inexperienced kaya hindi pwedeng ako.

Hinawakan ni Kiara ang kamay ko. "We still have two hours until the event will start. Bella, I will teach you everything you need to learn. Kahit basics lang." lahat naman sila ay sabay-sabay na tumango-tango.

Hindi ko napigilan at hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. I did it unconsciously. Hindi kasi ako komportable. Kinakabahan at nalilito na rin ako.

"B-Bella?" I saw tears forming in Kiara's eyes.

Lahat sila ay hinihintay ang sagot ko. I saw how they hoped na papayag ako, some even crossed their fingers. I looked at Elionir once again and I can see how his eyes begged.

Shit. Sana pala ay hindi nalang ako pumunta dito sa backstage. Sana pala sumama nalang ako kina Steph at Naomi.

I let out a deep sigh. "Fine, but-" I suddenly froze when they all yelled and cheered. Elionir smiled at me at niyakap ako ni Kiara.

"Why don't we start with the make up while teaching you? Kasi dalawang oras nalang talaga." nagmadali naman ang iba sa paghahanda sa susuotin ko.

Akala ko I can reject them. Akala ko it's easy for me to turn them down... pero mali ako. One thing's for sure, naniniwala sila sa akin. Naniniwala sila na kaya ko.

Kiara taught me how to walk properly and to smile. She doesn't need to teach me kung saan kami hihinto to pose or sa placings kasi nanuod naman ako kahapon sa stage rehearsals nila.

Each officers ay may walkie talkie as way of communication. Nang matapos na sila sa hair and make up ko ay pinasuot na nila sa akin ang unang attire na susuotin ko. White tee and the creative jeans.

"We've got 20 minutes left. Handa na ba si Bella and Mike?" rinig ko na galing sa walkie talkie ni Kiara. I figured it's Elionir.

"Yep. Everyone's ready, prez." sagot naman ni Kiara pagkatapos ay humarap sa akin.

Taming The Beautiful One (TTBO #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon