2 A.M.

19.1K 1K 77
                                    

CAILEAN looked at Kylo who was staring right back at her. "Ano, Kylo? Maghi-historical ba tayong dalawa ngayong madaling araw? Kasi kung oo, bahala ka na sa buhay mo. Babalik na ako sa hotel. Bahala ka mag-isa."

"Always, Cailean. Always," anito na nauna pang maglakad papunta sa hotel na nasa tapat lang nila.

Ang buong akala niya, siya ang magwo-walkout, pero siya pala ang iniwan. 'Nakakaloka!'

Imbes na bumalik kaagad sa hotel kung nasaan sila, nagpunta siya sa isang café na twenty-four hours ding bukas dahil gusto niyang kumain ng cake. It had been a while since nagda-diet talaga siya dahil malaki na ang itinaba niya.

Pagkapasok sa café, bahagya siyang natawa nang makita ang iilang mga tao na nandoon. May mga ilan pang nagbabanlaw dahil galing sa kalapit na bar. Parang bigla siyang nainggit. Parang biglang gusto niyang mag-walwal ngayon dahil nahihirapan siya. Pakiramdam niya, nasasakal siya sa sitwasyon na pinasok niya.

'Tanga kasi, e, pumatol,' bulong niya sa sarili.

"May I take your order, ma'am?" nakangiting sambit ng crew habang nakatingin sa kaniya. Ang pogi sana, kaso mukhang pareho sila ng bet, may lawit! Pak na pak pa 'yong liptint ni gorl.

Cailean smiled back. "Hello, I'd take ice Americano, make it two shots, with hazelnut pump na rin po."

"Is that all, ma'am? Maybe you want some cake?" alok nito na itinuro pa ang vanilla cake na kanina pa niya tinitingnan. Cake talaga ipinunta niya, kaso nagi-guilty siya.

She bit her lower lip. "Sige na nga. Dagdagan mo naman ng whipped cream, puwede ba? Parang gusto ko i-walwal 'yong diet ko ngayong araw. Gusto ko kumain nang marami kasi stressed ako, girl!"

Ngumiti ang crew sa kaniya. "Whipped cream lang po? Gusto mo, lagyan natin ng strawberry syrup? Drizzled on top?"

"Sige nga!" nakangiting sagot ni Cailean at bigla pa siyang na-excite.

Naghintay siya sa may counter na tawagin ang pangalan niya. She badly needed some coffee, gusto niyang magising sa katotohanan na kasalanan talaga niya kung bakit sila naghiwalay ni Kylo kaya may rason ito na mag-historical at palabasing kalasanan niya.

Dahil kasalanan talaga niya.

"Iced americano and vanilla cake for Cailean!" sigaw ng babae sa counter. Nakangiti ito sa kaniya habang iniaabot ang tray. "Enjoy your cake and coffee, ma'am. Best wishes!"

Kumunot noo niya kung ano 'yong sinasabi nito at mukhang nahalata kaya naman tumingin sa hoodie na suot niya. Biglang na-realize ni Cailean na, oo nga pala, may nakasulat na bride sa likod niya.

"Oh, no, it's just a dare," nakangiting sabi niya at magsasalita pa sana siya nang biglang may lalaking pumasok sa café na para bang may hinahanap.

Gustong magtago ni Cailean nang makita si Kylo, pero ngumiti sa kaniya ang crew na nasa harapan. "Hinahanap na po kayo ng groom ninyo."

Hindi alam ni Cai kung ano ang magiging reaksyon niya sa tugon nito. Naka-matchy hoodie sila, may nakasulat pang groom and bride, pagkatapos ay naka-attire pa. Mukha nga silang bagong kasal!

She was about to turn around and hide from Kylo when their eyes met. Inirapan niya ito dahil iniwan naman siya sa daanan, so bakit siya ang unang babati? Ang kapal niya!

Naghanap si Cailean ng bakanteng upuan at nakakita siya sa dulo kung saan walang masyadong tao. Wala siya sa mood makipagbangayan kay Kylo at lalong wala siya sa huwisyo para makipag-historical. Bahala siya!

"Hindi ka pa ba busog?" biglang tanong nito. "Not that pinakikialaman ko ang pagkain mo . . . kaso, you already ate three-person meal sa KFC."

"Sasabihin mong hindi ka nakikialam, e, pinakikialaman mo na nga ako!" singhal niya. "Bakit ka ba nandito? Akala ko ba, babalik ka na sa hotel? Iniwan mo na ako mag-isa, 'di ba?"

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon