11 A.M.

11.7K 681 37
                                    

"BAKIT ang dami mo namang pinamili?" tanong ni Cailean habang nakapila sila sa counter. "May balak ka bang magpakain ng isang tribo? Grabehan, puro Pancit Canton!"

Ngumiti si Kylo habang nilalagay sa cashier counter ang mga pinamili. "Mag-i-stay pa kasi ako nang isang linggo rito sa Pilipinas. Kailangan ko ng stock."

"Saan ka tumutuloy?" tanong ni Cailean na nakasandal ngayon sa may posteng katabi ng cashier kung nasaan sila. "Sa hotel? Ang yaman naman."

"Wala naman akong ibang pupuntahan. You know na ayaw kong nakikitulog sa kahit kanino, kahit sa kaibigan. I want my privacy. I'd rather pay kaysa guluhin ko 'yong mga taong 'yon," aniya. "Isang linggo na lang naman, 'tsaka mas madalas akong makikipagkita sa old friends."

Hindi na sumagot si Cailean. Nagkunwari na lang siyang nakaharap sa phone niya dahil naaalala niya ulit ang mga panahon na lagi silang magkasama ni Kylo, na magpupumilit itong matulog sa apartment niya dahil ayaw sa mga kaibigan. Alam niya iyon. Sa apartment lang niya ito naging komportable, wala nang iba.

Ayaw na rin ni Cailean na magbukas ng Facebook dahil puro pang-aasar sa kanila ni Kylo ang messages at comments na naroon. She even turned off her data at sinabi kay Kylo na magbubukas lang siya kapag kailangan nang mag-post para sa social media at challenge. Wala na rin silang sinusunod na challenge. 'Bahala sila riyan, buwiset!'

"Let's go?" ani Kylo na nagpabalik sa kaniya sa ulirat dahil napakalayo na ng narating ng isip niya kakakalkal sa nakaraan nila. "Lalim naman ng iniisip."

"Wala ka na ro'n," pagsusungit niya para lang ma-divert ang iniisip niya.

"Ang sungit mo. Kulang ka lang sa tulog, e," anito at kinuha ang plastic na naglalaman ng mga pinamili. "Gusto mo na ba munang kumain ulit? Alam kong hindi ka nabubusog, gusto mo bang mag-lunch na muna since 11 a.m. naman na?"

Umiling si Cailean. "Hindi pa ako nagugutom. Gusto ko na umuwi. Ano pa ba'ng plano mo pa rito sa mall? May balak ka pa bang puntahan dito? Sumasakit na kasi ang paa at ulo ko. Baka lang naman puwedeng magpahinga na?"

"Nasa tapat lang 'yong hotel ko," ani Kylo. "Maliligo na rin muna ako roon bago kita ihatid sa apartment mo. Tingin ko naman kasi, hindi natin matatapos 'tong araw dahil kailangan mo matulog, may pasok ka pa. Ako naman, bahala na. Gusto ko rin muna magpahinga."

Tumango si Cailean. "Sige. Dalhin mo na 'yong sari-sari store mo sa hotel mo, maligo ka na, nang makauwi na rin ako," sabi niya sabay may naisip. "What if umuwi na ako ngayon? Mag-Grab na lang ako."

Tumigil sa paglalakad si Kylo. "Hindi mo ba kayang maghintay kahit sana isang oras lang?" tanong niya. "Isang oras lang 'tapos ihahatid na kita sa apartment mo?"

"Sige na nga, baka mag-historical ka na naman, saan na naman tayo umabot," ani Cailean na nauna nang maglakad para lang makaiwas.

Ayaw na niyang makarinig ng kahit ano mula sa history nila dahil lalo lang siyang nagi-guilty sa nangyari. Kung puwede lang niyang ibaon na lang sa limot ang lahat, ginawa na niya, but that would be too impossible because for once, she was so in love with Kylo.

Sa tuwing naaalala niya ang nakaraan, gusto niyang bumalik at panoorin kung gaano sila kasaya. Siguro, kung may recording lang ang bawat pangyayari sa buhay, paulit-ulit na niyang panonoorin iyon maalala lang ang bawat pagkakataong magkasama pa sila.

She was stupid, she was young, she was reckless with her decisions, but that led her to nowhere.

"Cai, wait up!" pagkuha ni Kylo sa atensyon niya. Lumingon siya at ngumiti para hindi nito mahalata kung gaano siya kamiserable dahil sisisihin na naman nito ang sarili.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon