5 P.M.

11.4K 717 141
                                    

NAPATITIG si Cailean sa pintong nilabasan ni Kylo. Gusto pa sana niyang humingi ng sorry sa lahat ng ginawa niya, pero hindi na niya nagawa. Nawalan na siya ng chance, mukhang hindi na magkakaroon ng chance. Naiintindihan niya 'yon, it was her fault. Baliktarin man ang mundo, kasalanan niya ang lahat.

Sobrang babaw ng dahilan niya at sa tuwing naaalala niya 'yong mga dahilang 'yon, gusto niyang bumalik sa nakaraan para itama ang lahat.

Pero huli na.

Naglandas ang mga luha niya, but Cailean still tried so hard to smile dahil natutuwa siyang nakuha na ni Kylo ang sagot. Nakakahiya man na ang babaw ng dahilan, ang mahalaga, malinaw na kay Kylo na dahil lang sa sariling pangarap niya, kaya niya ito nagawang iwanan.

May ilan sa barkada nila ang nakaaalam ng totoo, kung bakit sila naghiwalay. Nagalit ang mga ito sa kaniya dahil kung iisipin, sobrang babaw talaga. Hindi niya nagawang hintayin si Kylo, naging miserable rin naman siya.

Ni isa sa pangarap niya, wala siyang natupad.

She became the miserable version of herself, someone na kinatatakutan niya kaya siya nagplano. She became someone without direction, someone without plans for tomorrow, someone unhappy . . . all because she chose to hurt the only man she'd ever loved.

Pinilit niyang sumaya. Pero hindi nangyari.

Dumako ang tingin ni Cailean sa picture frame na nasa bookshelf. Maraming-marami pa silang pictures together na nakatago at halos lahat ng memories niya kay Kylo . . . itinago niya.

Kinuha niya ang pinggan na mayroong pagkain niya, nakita rin niya 'yong pinggan ni Kylo. Doon na bumuhos nang husto ang mga luha niya dahil kung paano mag-ayos ng pinggan si Kylo noon, gano'n pa rin ngayon. Natatawa siya na naiiyak dahil walang nagbago rito, nawala lang 'yong pagiging palatawa at pakiramdam niya, accessory siya roon.

Imbes na maupo sa dining table, sa living area nagpatuloy ng kain si Cailean, naka-indian sit at nakapatong ang pinggan sa coffee table na nasa harapan. Binuksan niya ang YouTube para lang manood ng vlogs nina Shek's Diary, kaso dumako ang tingin niya sa playlist niya at nakita ang kantang Distance nina Christina Perri at Jason Mraz na palagi niyang pinakikinggan kapag gusto niyang mag-emote.

"Tang ina naman," umiiyak na sabi ni Cailean habang nakatingin sa TV. "Bakit kasi kailangan kitang i-play ngayon. Tang ina mo, Cailean! Tanga-tanga ka," bulong niya sa sarili habang humahagulgol. "Tanga mo, tanga."

And I keep waiting

For you to take me

And you keep waiting

To save what we had

Nang marinig ang lyrics, mas tumindi ang hagulgol niya, kasabay ng pagsubo niya sa Pancit Canton dahil sumasakit na ang dibdib niya kapipigil ng hagulgol.

Ngayon, para siyang tanga na umiiyak habang lumalamon. Dapat kahit madrama na ang buhay, kain is life pa rin. Iyan ang motto niya. Kahit na masakit na, kapag masarap ang nakahain, masamang tinatanggihan ang grasya. Isa pa, na-miss naman talaga niya ang luto ni Kylo.

Ang saklap lang na kumakain na lang siya mag-isa.

Gusto na lang din niyang tawanan ang sarili dahil habang ngumunguya, humahagulgol siya. Siguro kung may makakakita sa kaniya, iisipin, nababaliw na siya. Baka pagtawanan siya kasi para siyang tanga na ngumangalngal pero lumalamon.

Kahit punong-puno ng noodles ang bibig, kumanta siya. "Kung maibabalik ko lang ang dati mong pagmamahal, pagka-iingatan ko at aalagaan. Kung maibabalik ko lang."

Ngumiti si Kylo pagbukas ng pinto dahil naabutan si Cailean na kumakanta habang kumakain. Nagdadrama na at lahat, kumakain pa rin. Imbes na magpakita kaagad, nag-stay siya sa may pinto at pinanood kung paano ito sumubo ng pagkalaki-laki, pero sinasabayan si Regine na kumakanta ng Kung Maibabalik Ko Lang.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon