8 P.M.

11.4K 646 35
                                    

NGUMITI na lang si Kylo dahil nasaktan siya, pero ayaw niyang ipilit ang sarili. Cailean would always push people away kapag nararamdaman nitong namimilit na, katulad noon, kaya hinayaan niya ito. He let her say it, kahit na masakit.

"May pasok ka mamaya, 'di ba?" tanong niya para mag-iba ang usapan. "What time?"

"By 12, dapat nasa office na ako. Malapit lang naman ang office ko rito. Walking distance lang kaya naglalakad lang ako minsan. Minsan naman, naka-Grab, depende sa mood," nakangiting sabi ni Cailean na umalis sa pagkakakandong sa kaniya. "Kung gusto mo na umalis, okay lang naman. Balak ko na rin munang matulog."

Kylo smiled. Hinila niya pabalik si Cailean sa kandungan niya. "Stay for a while. Mag-stay rin muna ako. We still have time for the challenge, ibigay mo na sa akin 'to, Cai."

Cailean nodded without saying anything. Imbes na maupo sa kandungan niya, nahiga ito sa sofa at ginawang unan ang legs niya. Wala itong sinabing kahit ano, humiga lang si Cailean.

"Wait," aniya sabay tayo. Kinuha niya ang comforter sa kama dahil alam niyang hindi natutulog ito nang walang kumot. Pinatay rin niya ang ilaw sa kusina, sa sala, at iniwan ang ilaw sa balcony, sapat na para sa kaunting liwanag.

Nakahiga lang si Cailean, she was observing Kylo. Ang sakit para sa kaniya na pakawalan ito nang tuluyan, pero kailangan. She's not good for him, she was painfully aware of it. He deserved better than her, someone who would make him feel enough.

Naiisip niya, sobrang swerte ng susunod na nobya nito. 'Sana all, may Kylo!'

Magiging sobrang swerte ng mapupunta kay Kylo, wala siyang masabing hindi maganda. For two years na kasama niya ito, ni wala silang major na away, kaya naintindihan niya 'yong gulat ng lahat kung bakit sila naghiwalay at siya ang naging dahilan.

"Here," ani Kylo sabay patong ng comforter sa kaniya bago naupo ulit sa sofa para gawing unan ang hita nito. "Matulog ka na para mamaya, hindi masyadong masakit sa ulo 'pag gumising ka. Anong oras kita gigisingin?"

Pumikit si Cailean. "11 o'clock."

"Sure," he answered. "Good night, Cailean."

Wala nang narinig si Kylo mula kay Cailean. He actually smiled because he knew how much of a sleepyhead his ex-girlfriend was. Sa tuwing inaalala niya 'yong mga panahong sila pa, kahit sa jeep, makakatulog ito, hindi katulad niya na namimili ng lugar. It even took him a long time to get used to Cailean's apartment. Sa tuwing break time nila noon na umaabot nang tatlong oras, at dahil walking distance lang ang apartment nito sa school, umuuwi sila para kumain at matulog.

Ang nangyayari, tulog na si Cailean, siya naman ay paikot-ikot pa sa kama para lang makuha ang posisyong gusto niya.

As always, he would end up sleeping while hugging Cailean. Kahit na naiinis ito sa kaniya noon dahil palagi siyang nakayakap habang natutulog, wala siyang pakialam. He loved to sleep beside her, hugging her tight, and even burying his face on her neck. The familiar scent of her skin mixed with that perfume was his safe place.

She was and would always be his yellow.

Sa isiping iyon, biglang tumugtog sa isip niya ang kanta ng Coldplay. Kylo started brushing Cailean's hair using his fingertips. Sapat na ang sinag ng kaunting ilaw mula sa balcony para maaninag niya ang mukha ni Cailean habang natutulog.

Her blonde hair suited her well, umikli pa 'yon dahil nga nagpagupit. Cai used to hate short hair because she couldn't tie them. She hated colored hair because it made her hair feel dry, she hated being alone, and she hated being not in control. Now, Cai had short blonde hair, she's living alone in her apartment, and she's not planning anything to control her life.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon