9 A.M.

12.2K 776 165
                                    

KYLO was quietly observing his surroundings. It's past 9 a.m., they're stuck in traffic, and Cailean was still sleeping beside him. Malamang sa malamang, kung gising ito, panay ang reklamo nito dahil sa mga kantang tumutugtog.

"Ang traffic," umiiling na sabi ng driver na bumasag sa katahimikan dahil hininaan nito ang radyo nang makitang natutulog na si Cailean. "Ilang taon na kayong kasal, hijo?"

Ngumiti si Kylo. Malamang nga kung gising si Cailean at narinig ang tanong ng huli, siguradong nag-alburoto na itong parang bulkan. Nai-imagine ni Kylo ang reaksyon ng mukha nito.

"Apat na taon na sana kung nasunod lang namin 'yong plano noon," sagot niya. Binitiwan niya bigla ang kamay ni Cailean, baka magising ito, suntukin pa siya. "Kaso lang, hiniwalayan ako, e."

Tumingin sa rearview mirror ang driver, nagtama ang tingin nilang dalawa. Hindi ito nagsalita.

"Gusto ko siyang sisihin kung bakit kami naghiwalay, Kuya, na sinukuan niya ako, na iniwan niya ako . . . pero alam ko rin sa sarili ko na kasalanan ko, na may pagkukulang ako," dagdag niya. "Alam mo, Kuya, kung maibabalik ko lang 'yong nakaraan, gagawin ko, e. Kaso wala na, huli na ang lahat."

"Kasal na ba siya? May nobyo na ba siya?" tanong nito.

Umiling si Kylo. "Sa pagkakaalam ko po, wala siyang boyfriend," sagot niya. "Nahihiya rin ako magtanong, kasi baka isipin niya, interesado ako."

"Bakit, hindi ba?" Tumingin ito sa kaniya, dahil traffic naman, walang kaso. "Kung may pagkakataon pa, sunggaban mo na at huwag mo na pakawalan para hindi ka magsisi sa huli."

Naramdaman ni Kylo na malalim ang hugot ng lalaking kaharap. Base sa boses at choice of words nito, mukhang may pinaghuhugutan.

"Alam mo bang wala akong pamilya?" biglang sabi ng manong sabay balik sa pagmamaneho. "Hindi na ako nabigyan ng pagkakataong magmahal ulit simula noong naiwala ko si Martha. Laking probinsya kasi ako, kaso ang taas ng pangarap ko, hijo."

Nakikinig lang si Kylo rito. Nakikita niya sa side view ng lalaking kausap na nakangiti ito at parang may inaalala.

"Laking probinsya ako, nag-aral ako rito sa Maynila. Ang taas ng pangarap ko kasi gusto ko mabigyan ng maayos na buhay si Martha. High school girlfriend ko siya, pero nag-decide ako na iwanan muna siya, sabi ko, babalik ako. Nag-aral ako rito, pero wala na pala akong babalikan."

Tahimik lang na nakikinig si Kylo.

"Maayos naman kami hanggang sa maka-graduate na ako," patuloy nito, "pero nag-enjoy ako rito sa Manila. Usapan kasi namin, after graduation, uuwi na ako, magkasama na kami. Pero natuwa ako masyado. Gusto kong kumita pa nang mas malaki, kaya nagtrabaho muna ako."

Kylo looked at Cailean who was still sleeping. Nakikinig lang siya sa kuwento ng matandang nasa harapan na sinasariwa ang nakaraan.. Tantiya niya, nasa fifty years old na ito.

"Pero isang araw, nakatanggap ako ng tawag galing sa kaniya, nakikipaghiwalay na. Hindi na raw niya kaya. Naintindihan ko naman kasi limang taon na ang nakalilipas, e. Limang taon akong nanirahan sa Manila, iniwan ko siya roon." Ngumiti ito. "Sinubukan kong ayusin, hijo, pero wala na. Nakahanap na siya ng iba, ng taong kayang ibigay sa kaniya 'yong atensyong nararapat sa kaniya. Ako kasi, inuna ko 'yong pangarap ko na nakalimutan kong may tao palang naghihintay sa akin."

Hindi sumagot si Kylo. Naghihintay si Cailean na magsalita ito, pero wala. She's awake. Nagising siya the moment na maramdaman niyang hawak ni Kylo ang kamay niya, but she decided to pretend. Naririnig niya lahat ng sinabi nito, 'yong kwento ni Manong na parang sumasakto pa sa kanila. Ang kaibahan lang, siya ang nang-iwan, hindi si Kylo.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon