KYLO observed Cailean's place. For some reason, ganito nga ang ine-expect niya. Sinasabi lang nito na apartment when in reality, it's a condo around BGC. She's just low-key but he knew that she's living comfortably. Matipid si Cailean kaya imposibleng wala itong pera.
Pareho silang tahimik habang nasa elevator. Pinindot ni Cailean ang 27th floor bago tumingin sa kaniya, pero walang sinabing kahit ano. She was just looking at him and it was supposed to make him feel uneasy, pero hindi. Corny man, pero naiisip niya sa tuwing nakatingin sa kaniya si Cailean, siya ang iniisip nito.
"Bakit ka nakangiti riyan?" tanong ni Cailean nang makitang tumaas ang sulok ng labi ni Kylo. Hindi niya kasi ito maalisan ng tingin. She was memorizing every detail of his f ace because this might be the last.
Closure ang hinihingi nito sa kaniya, she would give it to him para parehas na silang makausad.
"Wala lang, you're staring at me as if you still love me," Kylo answered without hesitation. "Ganiyan mo ako titigan no'n, e." He smiled.
Ngumiti lang din si Cailean at hindi na nagsalita. Alam niyang maraming makikita si Kylo sa condo niya, pero wala na siyang pakialam doon. Susulitin niya na lang ang ilang oras na magkasama sila, susulitin niyang titigan si Kylo dahil hindi niya alam kung mauulit pa ba ito.
Ayaw man niyang aminin sa sarili na kahit siya, kailangan ng closure dahil kahit siya, hindi makausad sa anim na taon.
Nang tumigil ang elevator, nauna siyang lumabas. Natatawa siya dahil may bitbit pa ring plastic si Kylo. Binilhan daw siya nito ng pagkain dahil alam nitong mas mahilig siya sa fast food, which was true. Hindi siya nagluluto dahil wala na rin siyang time.
"Ano'ng dala mo?" tanong ni Cailean habang binubuksan ang pinto. "Bakit naman ang dami niyan?"
"Baka tatlong araw mo lang 'to, Cailean," tumatawang sabi nito. "Takaw mo, e."
Cai smiled. "May Pancit Canton ba riyan?"
"Oo." Tumango ito. "Kumakain ka pa rin ba ng Pancit Canton na may itlog, repolyo, at saka toasted bread na may butter?"
Hindi nakasagot si Cailean dahil, oo, iyon pa rin ang paborito niyang meryenda sa tuwing may time siya magluto. Sa tuwing wala siyang trabaho, iyon ang kinakain niya.
Pagbukas ng pinto, ngumiti si Kylo. "Bakit ko ba iniisip na nagbago ka? Even your condo slightly looked like your old apartment."
"Alam mong hirap ako sa changes," sagot ni Cailean. "Maupo ka na muna riyan, make yourself comfortable."
Hindi na nagsalita si Kylo. Binaba niya ang groceries sa lababo ng condo ni Cailean. Iba ang apartment nito, totoo . . . pero ang ayos, halos kapareho lang ng old apartment ni Cailean. Hindi rin ito kalakihan, it's a studio type condo na medyo maliit, pero may balcony.
Dumiretso naman si Cailean sa may closet area at kumuha ng damit. Sa closet area, katapat n'on ay kama na may fairy lights, posters ng mga paboritong banda nito.
"You still love them?" tanong ni Kylo na tinuro 'yong posters ng Fall Out Boys, Paramore, at My Chemical Romance. "Pinakikinggan mo pa rin sila?"
Cailean nodded while looking at those posters. "Oo naman. Siguro kung makikita mo 'yong Spotify ko, sila pa rin ang laman." Natigilan ito at tumingin sa kaniya. "Makikita mo na 'yong playlist ko, gano'n pa rin, six years ago ang naroon."
"Same," Kylo casually answered.
"Maliligo lang ako, nanlalagkit na talaga 'ko, basa na ang kilikili ko. Kung gusto mo na umalis, i-lock mo na lang 'yong pinto. I'll be okay, thank you sa paghatid."
