7 A.M.

13.6K 755 83
                                    

"ANO pala 'yon, iiwanan mo dapat 'yong kwarto?" tanong ni Cailean, bumalik sila sa café dahil nagyaya si Kylo na mag-breakfast muna. "Aalis ka talaga?"

Umiling si Kylo. "Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta," sagot nito. "I just woke up, hindi ko alam kung nasaan ka, hindi ko alam kung saan kita hahanapin, naalimpungatan ako."

Natawa si Cailean habang nakatitig kay Kylo. "Grabe, ibang klase ka naman maalimpungatan, pumapara ng taxi!" pang-aasar niya. "Hindi kita iiwan."

Natigilan si Kylo sa narinig. Susubo na sana siya ng pasta, pero hindi natuloy dahil sa narinig niya. Gusto niya sagutin 'yong sinabi ni Cai, pero nang tingnan niya ito, busy itong tumanaw sa labas na para bang wala lang ang huli nitong sinabi.

Those words. Pinanghawakan niya 'yong mga salitang 'yon na hindi naman natupad noong panahong magkasama sila. Both of them chose a different path and Kylo was affected. He blamed himself for not being good enough for Cailean.

"Gusto mo ba muna mag-stay riyan sa hotel?" tanong na lang niya para lang mawala 'yong topic. "Kasi ako, gusto ko na maligo, kailangan ko na bumalik sa hotel ko. Kaso, iniisip kita. Paano 'yong challenge? Balak mo pa bang tapusin o hindi na?"

Tumingin si Cailean kay Kylo. "Hindi ko rin alam. Kung gusto mo, pumunta ka na sa hotel mo, uuwi na rin ako. Hindi na rin naman nila malalaman, bahala na sila riyan. Magtatago na lang ako habambuhay."

"Siraulo ka talaga," natatawang sagot ni Kylo. "Hindi mo talaga matagalan ang presensya ko, 'no? Na you're really willing to ditch this challenge."

"Not that," sagot ni Cailean. "You are tired, you have a life, too. I-enjoy mo na lang muli ang Pilipinas dahil ako naman, matutulog na rin ako mamaya pag-uwi ko sa apartment ko dahil may pasok ako kinagabihan."

Tumango si Kylo. "Tama rin naman na matulog ka. Ang laki ng eyebags mo, Cai," pagbibiro niya. "Ang laki na nga ng mata mo, lalo pang lumaki dahil sa eyebags mo."

"Tang ina mo, ha. Makasabi ka riyan." Umirap ito sa kaniya. "Ang ganda kaya ng mata ko, chinitang dilat. Parang Jennie ng Blackpink, kori-Korean, annyeonghaseyo!" Nag-finger heart pa ito habang nakatingin sa kaniya. "Gago ka, oppa."

"'Raulo!" natatawang sambit ni Kylo habang nakatingin kay Cailean. "Koreana ka na ba kaya ka nagpa-blonde?"

Tumango ito bago humigop ng kape. "Oo, puwede na rin. Para wala nang masyadong Pinoy na kumausap sa akin lalo 'pag pauwi na ako. Imagine, ha, nasa MRT kami, poporma ang mga hinayupak! E 'di, nagkukunwari na lang akong Korean na kunwari, hindi ko sila maintindihan."

Kylo smiled. Ganitong-ganito si Cailean noon pa. Makulit, maraming kalokohang alam, maraming excuses sa buhay. "Ano'ng ginagawa mo?"

"Kunwari nga, Koreana ako. 'Tapos magba-bow ako sabihin ko, mianhae, no Englisheu, 'tapos ginagawa ko ito." Tinaas nito ang dalawang kamay na nagsasabihing hindi. "Ayon, hindi na nila ako pinopormahan. Tapos ang usapan."

"You are unbelievable," sagot ni Kylo na natatawa bago uminom ng kape. "Bakit hindi mo subukan? Baka mamaya, mahanap mo na 'yong the one for you? Baka mamaya, iyong ini-ignore mo, iyon na pala ang para sa 'yo."

Nagbago ang expression ng mukha ni Cailean habang nakatingin sa kaniya na parang nag-iisip. "Iyong parang icing sa ibabaw ng cupcake ko?"

Muntik nang maibuga ni Kylo ang iniinom dahil sa sinabi ni Cailean, pero hindi siya nagpahalata. Gusto niyang matawa.

"Ayaw ko nga, hindi pa ako ready. 'Tsaka gusto ko, may closure muna siguro tayong dalawa," anito na ikinagulat niya. "Kasi alam mo 'yon, parang kahit naghiwalay na tayo, may something pa rin sa akin na hindi makapagsimula ulit kasi ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko, ikaw pa rin ang nasa puso't isip ko."

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon