11 P.M.

13.8K 780 293
                                    

CAILEAN was facing the mirror while fixing herself. Naglalagay siya ng concealer sa ilalim ng mga mata niya dahil magang-maga iyon kaiiyak niya bago makatulog. Her face looked so dull and sad and she couldn't explain it. She looked miserable, but she's still trying to smile.

Tumingin siya sa orasan, it's 11:01 p.m. One more hour, then the challenge would be over. Ni hindi na nila nasunod ang mismong challenge dahil pareho na silang nag-decide na huwag mag-social media kaya panay rin ang tunog ng phone niya. Messages from their friends, messages from Marga, her family, batchmates, everyone who knew Kylo.

Maraming nagtatanong kung nagkabalikan na ba sila. Natatawa na lang siya dahil hindi. She just gave him the closure he wanted, she shared what happened to her life the past six years, at kahit papaano, nakaramdam siya ng kagaanan. She'd been carrying the burden for the past six years because she knew what happened. Sinaktan niya si Kylo, ang taong naniwala sa kaniya.

Cailean was putting on some lip tint when Kylo moved. Nakita niya ito sa salamin at mukhang naalimpungatan ito na parang may hinahanap.

"Hey."

Lumingon siya. Nagtama ang mga mata nila, nakita ni Cailean kung paanong lumambot ang expression ng mukha ni Kylo nang makita siya. "Katatapos ko lang mag-ayos. 'Buti nagising ka na rin kasi aalis na rin tayo mayamaya. I plan to walk. Ikaw, aalis ka na ba?"

Umiling si Kylo at inayos ang nagulong buhok nito dahil nakatulog sa sofa habang nakaupo. Nagising si Cailean na nakaunan sa legs ni Kylo habang hawak nito ang buhok niya. Nang ma-realize 'yon kanina, muli siyang napahagulgol. Ang sarap pa rin sa pakiramdam.

Cailean smiled. "Puwede ka na umalis kung gusto mo, I'll be okay. I know inaantok ka pa. Maraming taxi sa area or you can just use Grab. Hindi ka mahihirapang makahanap."

Walang sagot si Kylo kaya naman tumalikod na siya para ipagpatuloy ang pag-aayos niya sa sarili. Ayaw na niyang umiyak, pigil na pigil na siya. Minutes na lang ang bibilangin niya, she planned to make it worth it. Pero paano? Hindi niya alam. She didn't know, she didn't want to let go . . . but she had to.

Panay ang paypay niya sa sarili para lang pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Nawala na rin si Kylo sa paningin niya kaya sinimulan na lang niyang ayusin ang sarili. Ilang saglit pa, lumabas ito sa bathroom.

"I used your mouthwash. I hope you won't mind," he said.

Nakangiting nilingon niya ito. "No worries. Nagugutom ka ba? May sandwich akong ginawa para sa baon ko. Puwede mo kunin 'yong isa."

"No, alam ko naman na kulang pa sa 'yo 'yon," anito na nakangiti. Nakatingin ito sa kaniya sa salamin at nakasandal sa sofa. "Ano'ng kinakain mo kapag nasa office ka? Are you sure na hindi ka nagyoyosi?"

Umiling si Cailean. "Siraulo, may asthma ako, 'tapos yosi? E 'di, namatay ako nang maaga?" She smiled. "Mas madalas na coffee. Alam mo naman 'yong blend ko, gano'n. Tapos minsan, may pakain sa office 'yong mga manager."

"Hindi ka kumakain ng healthy food during shift?"

"Ano ba'ng definition mo ng healthy? Salad?" Cailean joked.

"Normal meals, Cailean," sabi ni Kylo. "Like rice or carbs, whatever na hindi coffee?"

Tumingin siya kay Kylo. "Pag-uwi or bago umuwi, dumadaan na ako ng pagkain sa mga karinderyang nakabukas, doon na ako kumakain or take out. I hate cooking, you know that."

"You should marry someone who loves cooking para hindi ka na bibili," biglang sabi nito na nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa balcony area.

Nag-focus si Cailean sa sarili at humarap sa salamin. Kagat niya ang pang-ibabang labi, time is ticking. It's almost 11:20 p.m., kakaunti na lang ang oras na natitira sa kaniya, pero wala na siyang balak gawin.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon