7 P.M.

11.4K 631 62
                                    

                                                        BIGLANG na-realize ni Cailean na hindi nga pala siya maganda kapag umiiyak, pero wala na siyang magawa. Trapped na siya dahil sobrang apektado siya sa kinakanta ni Kylo. She was crying so hard not minding how she looked like because it had been years since she last heard his voice.

"Ba't ka umiiyak?" natatawang tanong ni Kylo sa kaniya habang nagigitara. "Cute mo pa rin umiyak, para kang bata," anito.

Kumunot ang noo ni Cailean at iyak-tawang bumaling kay Kylo. "Nakakainis ka naman, e. Umiiyak na nga ako, inaasar mo pa ako," pagmamaktol niya. "Tama na nga 'yan, kanta ka pa nang kanta."

"Six years na akong hindi kumakanta at tumutugtog, Cai," ani Kylo. "I stopped after we broke up. I stopped because I kept on remembering how you look at me while singing. Na biglang isang araw, wala na."

Hindi nakasagot si Cailean, yumuko lang siya dahil sa nararamdamang hiya at panghihinayang. Pakiramdam niya, dahil sa nangyari, ang daming nagbago kay Kylo.

"Mahal mo talaga ako no'n, 'no?"

"Araw-araw ko naman sinasabi sa 'yo 'yon, e. Kaya nga nagtataka ako no'n ba't bigla ka na lang sumuko. I mean, I was questioning myself if what I did was enough. Kung saan ako nagkulang, kung bakit bigla ka na lang nang-iwan." Kylo sighed. "Pero ikaw lang kasi makasasagot no'n, e. Kahit na sabihin ko sa sarili kong alam ko na wala akong pagkululang, hindi ko malalaman 'yong side mo."

Umiling si Cailean. "Wala ka namang pagkukulang, ako lang talaga, hindi ako nakuntento. It was an honest mistake. I was stupid and reckless."

"Siguro, gano'n talaga lalo na't bata pa tayo noon. May mga desisyon pa tayo noon na hindi pinag-iisipang mabuti, may mga desisyon noon na akala natin tama, pero hindi pala." Ibinaba ni Kylo ang gitara. "Sa loob ng six years, marami rin akong na-experience at natutunan mag-isa. Sa totoo lang, sinabi ko sa sarili ko na blessing din siguro na naghiwalay tayo kasi kung hindi, we'll never get to explore."

Tumango si Cailean. "I kinda agree with you. Kasi ngayon, bigla kong naisip. Siguro kung naging tayo no'n, wala 'yang profession mo sa New Zealand. Baka you're settling with the job you don't even like. Baka you're just with me, wala nang growth. Ako naman, baka I was . . . I was . . ."

Hindi maituloy ni Cailean ang sasabihin, medyo naalarma si Kylo lalo na nang muling may maglandas na mga luha sa mga mata nito.

"Cai, you okay?" he asked, worried.

Cai nodded and wiped her tears away. "Hindi ko alam kung ano'ng gusto ko, Kylo." Bigla itong umiyak. "Sa six years, hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko, kung anong gusto ko, 'cos all I ever did was work to survive, sleep, then repeat."

Napatitig si Kylo kay Cailean.

"I'm so frustrated na . . . bakit ganito na lang ako?" Humikbi ito. "Ni isa sa plano ko, hindi ko nagawa. Kung alam ko lang na mangyayari 'yon, sana, hindi na kita iniwan. Tang ina, I am such a fucking failure."

"You are not."

Umiling si Cailean habang nakatingin sa kaniya. "No, Kylo. Our breakup took a toll on me. Akala ko, magiging okay ako na wala ka, but wrong. I became the worst version of myself. Ayaw ko sabihin sa sarili ko na kailangan kita—"

"Pride. Ako nga, inaamin kong kailangan kita, e."

Mahinang natawa si Cailean. "Siguro nga, I needed you to lift me up during those times I was so down, kaso wala ka na. I pushed you away kahit na kailangan kita." She tried to smile but failed miserably. "I became what I feared the most, Kylo. I became a failure."

Walang nasabi si Kylo.

"I was planning in advanced noon, kasi gusto ko, settled na ako, dahil I cannot afford to fail. Nakaplano na 'yong future ko kasi gusto ko, maayos ang lahat. Pero kahit isa roon, walang nangyari." Humikbi si Cailean. "Naging ako 'yong kinatatakutan ko. Iyong gigising na lang ako dahil kailangan ko, hindi dahil masaya ako."

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon