4 P.M.

10.9K 676 71
                                    

KYLO faked his smile while looking at Cailean. "Of course." Ibinaba nito ang sandok na hawak. "I will understand, Cailean, and I am sorry. I won't push this kung ayaw mo na. I still respect you."

Kumunot ang noo ni Cailean, pigil na pigil na ang mga luha niya dahil nahihirapan na rin naman siya.

"I'm sorry for pushing you, Cailean, I really am," anito na lumapit sa kaniya. "I thought seeing you would help me move on, akala ko, kapag nakita ko ulit lahat ng flaws mo, aayawan na kita . . . but it . . . made me realize that I never forgot how I loved you years ago."

"I'm sorry." Yumuko si Cailean dahil hindi niya kayang salubungin 'yong tingin sa kaniya ni Kylo. His eyes were begging and she couldn't take it. The way his eyes settled on hers made her realize that she really did hurt him.

Iniangat ni Kylo ang mukha niya at sinalubong ang tingin na gusto niyang iiwas. "I'm sorry for pushing you, for tricking you into this dare na hindi naman talaga totoo. I'm sorry for saying things to you, and I'm sorry for making you feel bad." Hinaplos nito ang pisngi niya. "I'm sorry."

"Bakit ikaw ang nagso-sorry sa akin, Kylo?" Humikbi si Cailean habang nakatingin sa kaniya. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ako ang may kasalanan, ako ang dahilan kung bakit tayo nasira, ako ang dahilan kung bakit tayo nagkaganito. Ako ang dapat mag-sorry kasi sinaktan kita at base sa mga salita mo sa akin, sinasaktan pa rin kita."

Kylo nodded and chuckled. "Actually, yes. It's been years but you're still hurting me. The way you look at me, na pakiramdam ko, sukang-suka ka na sa presensya ko? Ang sakit lang."

Hindi nakasagot si Cailean.

"Ayaw na kitang sisihin dahil may parte na kasalanan ko, ayaw ko nang ipamukha sa 'yo 'yong sakit na ginawa mo, ayaw ko na sanang bumalik sa nakaraan, believe me, Cai." Kylo smiled but a lone tear dropped. "Pero gusto kong malaman kung bakit hindi mo ako binalikan no'ng mga panahong gusto kong ayusin ang lahat. Gano'n mo ba ako kaayaw para hindi bigyan ng second chance?"

Nothing.

"Kung hanggang dito na lang talaga, kung hindi mo na ako bibigyan ng linaw, iintindihin ko. I just wanna let you know that I still thank you for all the memories that we had, for all the love I felt from you, and this will be the last time I'm going to blame you." His thumb was caressing her cheek. "Once and for all, I admit . . . I still love you . . . so much."

Cailean's heart was pounding so hard that she couldn't speak. Walang lumalabas na boses kahit na gusto niya dahil parang ang sikip ng dibdib niya. Pakiramdam niya, hindi siya makahinga. She felt suffocated that her mind went blank by hearing him say it.

He still loved her despite the pain she had inflicted. She's too afraid to look into his eyes.

"Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na hindi mo ako hinintay." Bumitiw sa kaniya si Kylo at dumiretso sa kusina. Sinimulan nitong patuloy na iluto ang iniwan. "Hindi ko alam kung hindi ba sapat 'yong ako para maghintay ka, kung bakit, Cailean." There, she heard him sob.

Walang masabi si Cailean. Tumalikod siya para ilabas ang mga hikbing kanina pa pinipigilan.

All these years, ang buong akala niya, naka-move on na si Kylo sa nangyari sa kaniya. Akala niya, siya na lang ang nahihirapan kahit na siya mismo ang may kasalanan . . . na sa tuwing babalikan niya ang katangahan niya, gusto niyang sampalin ang sarili dahil sobrang babaw ng dahilan niya para iwanan ang taong walang ginawa kundi manatili sa tabi niya.

She threw away the perfectly imperfect love they had--for herself.

Mahina siyang humihikbi habang nakayuko, naririnig niya rin si Kylo na humihikbi, pero wala itong sinasabing kahit ano.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon