AFTER having breakfast, both decided to check out of the hotel. Tinawagan na rin ni Cailean si Marga at sinabing aalis na sila sa hotel. Ni wala pa silang planong dalawa kung ano ang gagawin nila the whole day. Pareho silang walang idea kung ano ang challenge.
"Ayaw ko na mag-post," ani Cailean habang hinihintay nila 'yong Grab na na-book nila papunta sa isang mall malapit sa hotel ni Kylo. "Nakakainis kasi, tanong nang tanong mga tao kung nagkabalikan na tayo."
"E di, sagutin mo na hindi pa. Unless gusto mong magkabalikan na tayo." Malokong ngumiti si Kylo kay Cailean. Inirapan lamang siya nito na ikinatawa niya. "Wala namang masama. Single ka, single ako. Baka we're meant to be together."
Nagbago ang expression ng mukha ni Cailean. Muli na naman itong umaktong sukang-suka. "Alam mo, tang ina, Kylo! Bakit ganiyan ka na ka-corny ngayon? Siguro, masyadong pa-sweet 'yong mga naging ex mo kaya naging ganiyan ka. Kadiri, nakakakilabot!"
Tawang-tawa si Kylo habang nakatingin kay Cailean. Nangangasim ang mukha nitong nakatitig sa kaniya.
"Ang cringe, putang ina!" naiiritang tugon nito sa kaniya. "Ang tagal ng Grab, puta."
"Mura ka nang mura! Isang mura mo, hahalikan kita, e."
Natawa si Cailean. "Bobo, nabasa ko na 'yang ganiyan. Naalala mo noon, nagbabasa ako ng Wattpad? May isang character si CeCeLib, which is 'yong favorite writer ko na mahilig magmura 'yong lalaki. Ang nangyayari, kada mura niya, hinahalikan siya ng girl."
"'Tapos?"
"'Tapos si boy, mura nang mura para halikan ni girl. Tang ina, tsansing, 'no?" natatawang sabi nito. "Pero hindi mo puwedeng gawin sa akin 'yon kasi susuntukin kita sa mukha at babayagan din kita."
Kylo smiled. "Aray naman, pero you're responsible kapag nagka-boner ako, ha? You have to deal with him."
"Gago!" Sinamaan ng tingin ni Cailean si Kylo na tawang-tawa sa kalokohan, akala, nakakatuwa. "Napakabastos ni Kylo, grabe. Walang respeto sa babae."
Tinitigan siya nito. "Baka gusto mong i-historical din natin 'yong mga kalokohan natin noon sa apartment mo, apartment ko, at 'yong patagong milagrong ginawa natin no'ng nag-out of town tayo kasama ang family ko?"
Hindi na sumagot si Cailean. Tinalikuran niya si Kylo dahil natatakot siyang mamula ang mga pisngi niya sa harapan nito dahil naaalala niya kung gaano sila kaloko noon.
Malamang, hindi niya makalilimutan 'yong ginawa nila sa out of town ng pamilya nito dahil lima sila sa kwarto, kasama ang dalawang kapatid ni Kylo at isang pinsan. Magkatabi sila nang bigla na lang . . . basta. 'Putang ina!'
"Grab's a minute away," ani Kylo. "Ano'ng gagawin mo sa mall?" tanong nito.
"Magpapagupit nga. Gusto kong paiklian pa 'yong buhok ko," sagot niya habang nakatingin sa phone dahil naiilang pa rin siya. Para kasing tanga.
Magbi-bring up na lang ng past, 'yong kagaguhan pa nilang dalawa. Pakiramdam tuloy ni Cailean, para siyang may mga bulate sa tiyan dahil bigla niyang naalala 'yong mga yakap at halik na pinagsaluhan nila. 'Putragis, ekis!'
Nagmadaling sumakay si Cailean sa kotseng nasa harapan nila. Sumakay siya sa likuran at ang buong akala niya, sa harapan sasakay si Kylo, pero mali. Tumabi pa si gago sa kaniya, parang tanga! Parang nang-aakit pa 'tong tumingin sa kaniya.
"I hope you won't mind?" tanong nito.
Cailean shrugged it off and pretended that she wasn't affected. Kahit one percent lang para hindi ito mang-asar. Knowing Kylo, kung ganito pa rin ito, hindi ito titigil hangga't hindi siya umiiyak sa sobrang pagkapikon. Hindi ito titigil sa pang-iinis sa kaniya hangga't hindi siya sumisigaw.