3 A.M.

18.3K 1K 218
                                    

CAILEAN acted as if she was about to vomit when Kylo called her 'babe'. Ayaw niyang ipahalatang nagulat siya kaya nagkunwari na lang siyang nasusuka. Nagulat siya dahil ang tagal na simula nang huli niyang marinig iyon.

The kilabot she felt was not because she was cringing internally, but because she was shocked. It actually felt natural. She didn't want to admit it, but that's how she felt. The 'babe' felt like home, but it's forbidden.

"Nakakasuka ka, Kylo!" pagbibiro niya para lang maging normal ang atmosphere nila dahil parang pinapawisan na ang mga kilikili niya. "Pinagsasabi mo? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Uy, move on na! Six years na, uy!"

Nag-iwas lang ng tingin sa kaniya si Kylo at walang sinabi. She felt guilty. She was just trying to lighten up the mood.

Pinilit na niyang ubusin ang iced coffee niya para makaalis na sila. Medyo dumarami pa ang mga tao, siguro ay katatapos lang mag-party. Tinanggal na rin ni Cailean ang hoodie niya dahil naiilang na siya.

Tumingin si Kylo kay Cailean nang bigla na lang nitong tanggaling ang hoodie na suot. Napaisip siya, gano'n ba siya kaayaw nito para tanggalin 'yon? Siguro nga.

Kylo wanted to laugh at himself. He was just torturing himself being with Cailean. Knowing her effect on him, dapat hindi niya na rin ginawa 'to. She was just too bad for him. She was insensitive, she didn't care about what he might think. Nakakatawa lang. Hindi na siya nagsalita o ano. He just waited for Cailean, as always.

"Tara na," anito. "Sure ka bang ayaw mo kumain?" tanong nito.

Umiling lang si Kylo.

"Okay, ikaw bahala," sagot nito at naglakad papunta sa counter at nagsimulang tumingin sa mga display na cake. Nakikipag-usap pa ito sa crew.

Nagtataka si Kylo kung bakit, hanggang sa mag-order ito ng apat na cake at dalawang lasagna. He was about to say something when Cailean looked at him. Mukhang alam nito na nagulat siya.

"Nagugutom pa ako, gusto ko kumain ng maraming cake. May issue ka ba?" biglang tanong nito. "Kung makatingin ka riyan, akala mo naman, bawal kumain ng cake."

Hindi na nagsalita si Kylo. He was low-key laughing at her reaction. Too defensive, wala naman siyang sinasabi. Hindi naman siya nagtatanong, pero nag-a-assume. Bumili pa ito ng dalawang kape kaya naman pati siya, kailangan may hawak na.

"Ang dami mo binili. Ang laki ba ng bituka mo?" pang-aasar ni Kylo at natatawang kinuha ang mga bitbit ni Cailean. "Hindi ka ba nabubusog?"

Hindi ito sumagot. Diretso lang itong naglalakad papunta sa hotel at tama nga ang hinala niya, hindi pa rin ito marunong tumawid. Panay ang tingin nito sa paligid kahit walang sasakyan at parang nag-aalangan.

"Let's go," sabi ni Kylo habang nakatingin kay Cailean. "Sumunod ka lang sa akin. Wala namang sasakyan."

Cailean sighed and walked with him. "Nakakahiya, 'no? Putang ina, ang tanda ko na, pero hindi pa rin ako marunong tumawid kapag walang crowd. Kaya ayaw ko umaalis nang walang kasama, e," sabi nito na humawak pa sa braso niya. "Sorry, alam kong ayaw mo akong kasama, pahawak lang saglit, bibitiw kaagad ako sa kabilang dulo."

"Kunwari ka pa, gusto mo lang maramdaman 'yong maskels ko," pang-aasar niya kaya naman inirapan siya nito. "Sa loob ng anim na taon, hindi ka man lang ba natutong tumawid?"

Umiling lang ito at nang makarating sila sa tapat mismo ng hotel pagkatapos tumawid, kaagad na bumitiw sa kaniya si Cailean at kinuha lahat ng paperbags na hawak niya. Iniwanan din siya nito sa paglalakad at nagmamadaling lumayo.

"Puwede pa po ba mag-stay sa gazebo?" tanong nito sa guard ng hotel park.

Tumango ang guwardiya at pinapasok sila. Nakasunod lang si Kylo kay Cailean na dumiretso sa may swing. Nilabas din nito ang kape at iniabot sa kaniya 'yong isa.

24 Hours Asawa ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon