BEHIND THE LIGHT (ROMANCE)

175 1 1
                                    

I was in love once in my life. I have everything, I have it all and I thought life can be so easy because of that. I thought decisions can be easily change and undone if I wanted it. I never felt, regret or what ifs.


Hindi ko alam ang salitang SANA dahil lahat nakukuha ko. Hindi ko naranasan ang mawalan o maiwan, maagawan o ipagpalit. Ako palagi ang una, ako palagi ang mahalaga hanggang sa nakilala ko siya...


"Kendrie!" tawag niya at tumakbo na para lagpasan ako at nung mga sampung hakbang mula sakin tumigil siya at sumigaw "I like you and I'm single! Papatulan mo ba ako?!" tiningnan niya ako at ngumiti sakin "Single ako at walang rason para maging taken kung ikaw ang gusto ko."

Pakiramdam ko nanigas ang paa ko at mabilis akong nadapa!

NILAMON AKO NG LUPA, LITERAL.

Lumapit siya sa akin para tulungan ako kaya agad ko siyang tiningnan...

I don't know kung dahil ba sa hiya or dahil hindi ako nag iisip...

But I say the most inappropriate answer I can ever manage.

"How can a girl like me date a poor guy like you?"

Natigilan siya at natulala siya sakin bago niya pa ako mahawakan.

All his bright smiles fade and I can't even explain his reaction. He was shock and devastated.


Ang unang lalaki na minahal ko ang bumasag sa stereotype imagination ko ng future boyfriend ko na lalaking sobrang gwapo, mayaman, matalino at nakasakay sa magarang kotse kagaya ko. Si Hugo? Wala siyang kahit anong maipagmamalaki sa buhay bukod sa mukha at utak niya. Wala siyang kahit ano...wala siyang kahit ano pero minahal ko siya at ang nag iisang pag-asa ko para makuha siya ay binitawan ko bigla at nawala siya sa hawak ko na parang bula.


*


I was in love once in my life. Sa mura kong edad naranasan ko ang pinaka-unang heartbreak na sinasabi nila. Sa estado ko sa buhay nagawa kong pangarapin siya. Akala ko mas mabuting subukan kaysa magsisi. Akala ko sapat na ang lakas ng loob at talino na mayroon ako para makuha siya. Hindi pala yun totoo dahil mawawala lahat ng lakas ng loob mo at pag-asa kung ang nag iisang babae na minahal mo ay malayo masyado para mahawakan mo.


Sa totoong buhay, hindi sapat ang talino at itsura para pangarapin ang isang babae na malayo ang estado ng buhay sayo. Hindi sapat ang kaonting lakas ng loob para lunukin mo ang pride mo pag tiningnan kayo ng mga tao at nagsimula silang humusga bakit sa dami ng pwede niyang piliin ikaw pa.


Hindi ako ganun katapang. Hindi ako ganun kamartir at hindi gaya sa mga palabas sa TV, hindi ganun kababa ang tingin ko sa sarili ko para hayaan silang maliitin ako dahil sa kanya.


"I'm willing to date you. I will have you as my boyfriend." matapang niyang sabi.

"Kendrie, wala akong time makipaglokohan sayo." sagot ko kahit alam kong masasaktan siya.

"I SAID I'M YOUR GIRLFRIEND!" ulit niya na para bang hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Hindi kita nililigawan, hindi kita gusto ligawan at wala akong balak maging boyfriend mo. Okay na?" paglilinaw ko.

"Pero diba?" pagpipilit niya para ipaintindi sakin.

Naiintindihan ko. Gusto niya ako at gusto ko siya pero hindi sapat ang salitang MAHAL KITA para ibaba ko ang sarili ko para sa kanya.

"Chances have limitations. I asked you out, you said NO then that's it." bobo kong sagot.


Binitawan ko siya.

At sa palabirong takbo ng buhay ang unang tao na minahal ko nung bata pa ako ay nakita ko ulit sa hindi inaasahang pagkakataon...


"VIP EMERGENCY! GUN SHOT VICTIM!" sigaw ng medic.

Agad akong tumakbo at nanlamig ako ng makita ko siya.

Kendrie...

Kendrie Lopez out of all people.


///


A/N NOTE: Please support Kendrie's story! Link in the comment section. Thank you! :)

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon