Chapter 44

2.1K 45 1
                                    

Ethan Alvaro's POV




Nandito kame sa tapat ng building kung nasaan si Phoenix. Natrace namen kung nasaan siya dahil mabilis na nilagyan ni Chief Xander ng tracker yung lapis na inabot niya kay Nix.





Akala ata ni Lopez eh makakagawa siya ng mission mag isa. Syempre kameng Team Alpha na nakasama niya simula 1st year sa PNPA ay hindi papayag mangyare yun.





Gagawin namen tong SECRET MISSION na ito ng magkakasama.





Alam kong bawal at makakatanggap kame ng disciplinary action matapos nito dahil hindi namen pinaalam sa mga head ang operation pero kung buhay naman ni Phoenix ang nasa alanganin handa kameng tumanggap ng kahit anung parusa.





Napag-alaman din namen na si Harper pala ang ginawang hostage ni Harrison kaya ganun nalang ang takot ni Phoenix na magsumbong sa pulis.





Walanghiya talaga ang lalaking yun! Wala talaga siyang balak tumigil!





*Team Alpha*
SPO4 Phoenix Lopez (lawin)
SPO3 Ethan Alvaro (falcon)
SPO2 Yuan Maniego (techno)
SPO1 Kurt Loyzaga (bullet)
PO3 Jacob Manalo (helix)
Sniper Dian Salvador (red)




"Chief over... Team Alpha..." sabe ni Chief sa linya kaya agad kameng sumagot.




"Falcon over.." sabe ko.




"Positions." sabe niya kaya agad kameng pumuwesto.





Ako, si Kurt, at Jacob ang papasok sa loob. Si Dian ang sniper ay nakapwesto sa may katapat na building at nakabantay. Nakikita niya rin ang nangyayare sa loob kung nasaan si Phoenix at Harper. Si Yuan naman ay nakapwesto sa may taas ng bubong ng isang maliit na bahay sa tapat ng building para maging back up namen. Siya ang babaril bukod kay Dian kung sakaling may mga tao na hindi namen makikita.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon