Chapter 4

2.9K 63 0
                                    

Phoenix Lopez' POV



Bago mag simula ang karera pinaliwanag sa amin ang mechanics na ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman talaga ako kumakarera. Wala akong alam sa ganyan at wala din akong balak malaman. Para saken, ang mahalaga ay ang basic. DAPAT MARUNONG KA MAGDRIVE NG KOTSE.



Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang medical team kaso hindi ko makita si Harper. Baka nasa kung saan siya.



"Ready?" sabe ng lalaki na nagpapaliwanag sa pinakaharap kaya tumungo lang kame "Okay. Positions!" sigaw niya kaya naglakad na kameng 4 na mga magkakalaban sa mga kotse namen. Napansin kong ngumiti si Gray sa girlfriend niya kaya naglakad ako ng mabilis at binunggo siya.



"Holy shit! Watch it idiot!" sigaw niya at nanlilisik ang mata saken.



"Oops?" pang aasar ko kaya napahinga siya ng malalim at naglakad na papunta sa kotse niya.



Natatawa akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na ang makina. Pachill chill akong napatap sa may steering wheel at napatingin ako sa mga kalaban ko na focus na focus ang tingin sa daan lalo na si Gray.



"Hays. Nakakatamaaaaad....." sabe ko at nabuhayan ako ng may babaeng naglakad papunta sa harap.




May napakaikli siyang shorts at fit na fit na damit. Ngumiti ako at hinihintay kong mapatingin siya saken pero nakapako ang mata niya kay Gray na hindi naman siya pinapansin.




Wow. Famous.




Sumenyas si Sexy ng...



3....




.......2




At binaba niya yung flag na hawak niya at nagulat ako ng lumipad yung mga kotse sa gilid ko!



Nangunguna sa kanila si Gray Jimenez na sobrang pasikat.



Tinapakan ko ang accelerator ko at tinatamad na sumunod sa kanila.



Nagulat ako ng may gumitgit saken kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya kaya napangiti din ako sa kanya at nung dumating kame sa unang drift mabilis akong lumiko at binangga ng malakas yung kotse niya.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon