Chapter 43

2K 43 0
                                    

Phoenix Lopez' POV



Agad akong napababa ng chopper at agad na may mga lalaking nakahawak ng baril ang lumapit saken. Mga lima sila at lahat sila nagtutok ng baril saken.




"Wag ka gagalaw! Ibaba mo ang baril mo!" sigaw ng isa kaya agad kong kinuha ang baril ko at nilagay sa lapag.





"Wag kang papalag!" sigaw pa ng isa at dahan dahan silang lumapit saken at nilagyan ako ng posas.




Natawa ako ng makita ko ang naglagay ay yung lalaking hinuli ko dahil sa riding in tandem sa isang bar.





"Ano feeling na ikaw na ngayon ang nilalagyan ng posas?" tanung niya kaya napangiti ako.





"Kung hindi niyo hawak ang babaeng mahal ko." natigilan ako at tiningnan sila isa isa "Baka lahat kayo patay na ngayon at hindi mo na matanung saken yan." sabe ko dahilan para suntukin niya ako ng malakas sa tiyan.





"Mayabang ka ha! Tingnan naten kung makapagyabang ka pa pagkatapos ko ihampas sayo to." sabe niya ata agad na may lumipad na malaking tubo sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.










Harper Olivarez' POV




*PAK!*




Agad akong nagising ng may sumampal saken ng malakas.




Napatingin ako sa kanya at agad akong kinabahan "Nasaan ako! Nasaan si Kyler!" sigaw ko kaya natawa si Harrison.





"Sino? Yung kawawang Doctor na nadamay dahil sayo? Hindi ko alam baka nagswiswimming na siya ngayon sa kalagitnaan ng dagat ng Subic o baka nasa tapat na ng beach house at hindi na humihinga!" parang baliw niyang sabe kaya nanlamig ako.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon