Chapter 17

2.3K 46 1
                                    

Phoenix Lopez' POV



"Ready for operation." sabe ng Doctor.



Napapikit ako ng makita ko ang ilaw ng Operating Room na biglang bumukas.



Ooperahan na naman ako dahil sa bala ng baril...



Ito na ang pangalawang beses na umilaw ang bagay na ito sa harap ko.



Natawa nalang ako at napapikit...



Nung nakaraang taon, ang pamilya ko ang nakikita ko sa dilim pag napapapikit ako pero ngayon...



Mukha ng isang babae na nakangiti saken ang nakikita ko...



Ang babaeng, may itim na buhok na kumikintab sa araw...



Maputi at matangos ang ilong na sobrang perfect sa mukha niya..



Medyo makapal ang labi na gustong gusto ko halikan...



May malaki at medyo pasingkit na mata na ngumingiti saken pag tinitingnan ko siya....




~~Alam kong para sayo one night stand lang yun pero may naramdaman ako ng gawin naten yun! Alam kong iba..may iba~~



Naramdaman ko na kumirot ng ka-onti ang tagiliran ko habang inooperahan nila ako ngayon pero mas masakit ang dibdib ko pag naalala ko kung paano tumulo ang luha niya ng iwan ko siya...



Totoong luha na galing sa babaeng nagmahal at nasaktan.



Tama...

Merong iba ng gawin naten yun..




Gusto ko ngumiti sa kanya at sabihin na may naramdaman din ako ng gawin namen yun. Hindi lang ang utak ko ang gumagana ng panahon na yun kundi pati ang puso ko...



Tumitibok siya ng sobrang bilis dahil sa saya at takot na baka bukas pag gising ko...



...wala na yung babaeng kasama ko.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon