Chapter 27

2.1K 54 2
                                    

Harper Olivarez' POV




"Harp. Siguro magpopoprose na si Kyler sayo! Nararamdaman ko talaga yun eh!" sabe ni Vic habang nandito kame sa Cafe.




Natawa ako ng pilit "Pakiramdam ko din ganun kaso hindi ko alam isasagot ko." sabe ko at naalala ko bigla si Nix.





Hindi ko na siya ulit nakita at hindi na siya nagparamdam saken.





"Isipin mo kaya ng maigi yan Harper. Sa loob ng 2 years simula ng nagtrabaho tayo sa PLopez Medical Hospital nakabuntot na siya sayo. Siguro ngayon na magkakaroon na siya ng lakas ng loob, magtatanung na siya FINALLY KUNG PWEDE NA BA SIYA MANLIGAW! Sana magkaroon ka rin ng lakas ng loob na mag move on at kalimutan si Nix. Ten years na ang nakalipas Harp at wala pa rin siya. Tama na..."





Napahinga ako ng malalim...





*BANG!*





Nagulat ako ng makarinig ako ng malakas na pagputok. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.





"Putok ba yun ng baril?" gulat na tanung ni Vic.





Huminga ako ng malalim dahil naalala ko na naman yung panahon na nagkabarilan at huling ala ala na meron ako kay Nix.





Agad akong napatingin sa labas ng magkagulo sa tapat ng bar. Lalabas sana ako ng mag ring yung cellphone ko.





KYLER CALLING....





"Harp. Yung phone mo." sabe ni Vic kaya sinagot ko yun.



Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon