Chapter 46

2.2K 49 0
                                    

Harper Olivarez' POV




Napalabas ako ng Emergency Room ng Baypointe Hospital and Medical Center sa Subic at agad na lumapit saken ang mga madudungis na pulis na kaibigan ni Nix.




"Ayos na siya." sabe ko kaya napaupo sila at napahinga ng maluwag ng sabay sabay dahilan para mapangiti ako.




"May sa pusa talaga sir! MAY HIMALA!" sigaw ni Kurt kaya natawa ako.




"Harper."




Nagulat kame at agad akong natigilan ng makita ko si Kyler na nakadamit pang ospital.




Nilapitan ko agad siya "Kamusta kana? Ayos ka lang ba--"




Natigilan ako ng yakapin niya ako "Ayos na ako dahil nakita na kita...ayos na ayos na..." tiningnan niya ako "May nakakita saken sa kalsada ng iwan ako nung mga kumuha sayo at dinala nila ako dito. Maglakad lakad lang sana ako kaso nagulat ako ng makita kita. Buti naman at ayos ka lang." sabe niya at hindi ko alam dahil bigla akong naiyak.





Hindi ko mapigilan dahil kahit okay na si Kyler naaawa pa rin ako sa kanya. Muntik na siyang mapahamak ng dahil saken at......hindi ko pa siya kaya mahalin pabalik.





"Bakit? May masakit ba sayo?" tanung niya pero umiling lang ako.





"Si Phoenix...kase...Kyler..." hindi ko alam ang sasabihin ko at nagulat ako ng hawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko.





"Alam mo ba simula ng una kitang nakilala, ewan ko ba? Nainlove agad ako. Maganda ka kase, mabait at pag nakikita ko kung gaano ka kadedicated sa trabaho mo...humahanga ako sayo." sabe niya at pilit na ngumiti "Dati, lage ko pinapanalangin na sana hindi na bumalik sayo yung lalaking sinasabe ni Victoria na nanloko sayo. Natatakot kase ako na baka pag dumating siya....mawala na lahat ng natitirang pag asa na meron ako sayo. Sabe ko sa sarili ko, gagawin ko lahat para maging tayo habang wala pa siya. Gagawin ko lahat para mapansin mo ako. Tapos eto na...umabot na sa araw na dumating na siya at nandito pa rin ako sa posisyon ng pagiging kaibigan mo."

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon