Chapter 13

2K 41 0
                                    

Phoenix Lopez' POV



Mabilis akong napatigil ng motor ko sa tapat ng Boarding House nila Harper. Agad akong bumaba at umakyat ako sa bakod.



Napatingin ako sa gilid na balkonahe kung saan nandun ang kwarto ni Harper. Nakasara ang ilaw kaya agad akong umakyat sa gilid paakyat dun. Napapihit ako ng door knob ng balkonahe kaso nakasara yun.



Kinuha ko yung alambre sa jacket ko at agad ko yung pinasok sa loob ng lock. Nanginginig ako sa ginaw dahil sa lakas ng ulan habang pilit na binubuksan yun at nakahinga ako ng maluwag ng mag click yung pinto.



Agad akong pumasok sa loob at napatingin ako sa study table ni Harper at nandun yung -X File- na folder. Napatingin ako sa paligid at mabilis kong kinuha yun.



Papalabas na ako ng kwarto ng bumukas ang pinto kaya agad akong napatalon sa ilalim ng balkonahe. Hawak ko yung folder sa isa kong kamay at yung kabila nakakapit sa may sahig ng balkonahe.



Nanlaki ang mata ko ng makita kong naglakad si Vic sa may balkonahe.



"Sino kaya yun? Baka namalikmata lang ako." wala lang na sabe niya at pumasok na sa loob.



Napahinga ako ng malalim at dahan dahan akong tumalon pababa.



"Shit..." mura ko ng tumama yung likod ko sa damuhan.



Agad akong umakyat sa bakod at lumabas sa Boarding House ng biglang...



"Give me the file, Lopez."



Nanlaki ang mata ko ng tutukan ako ni Chief ng baril sa tagiliran. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ako tinututukan ng baril?



Agad akong kinabahan dahil parang may mali.



"Give me that file." madiin niyang sabe kaya nagtataka ko siyang tiningnan.



"Chief.." gulat kong sabe at napatingin sa baril na nakatutok sa gilid ko.



"Ibibigay mo o papasabugin ko ang ulo mo?" banta niya saken kaya dahan dahan kong inabot sa kanya yung file....



At nung kukunin na niya yun agad ko siyang sinipa sa may tagiliran at mabilis akong tumakbo.



*BANG!*



Mabilis akong napahinga ng malalim ng muntik na akong tamaan ng bala sa paa. ANO BANG GINAGAWA NIYA?! BAKIT NIYA AKO BINABARIL?



Siya ba talaga ang Chief ng NBI? Nagpalit ba talaga ng Chief ang NBI?



O baka naman nagpapanggap lang ang lalaking ito?




"LOPEZ!!!" tawag niya saken kaya sobrang bilis akong tumakbo sa mga pasikot sikot nitong school.



Nakasunod pa rin siya saken at agad akong pumasok sa loob ng Boarding House ko.



Nagulat ako ng may mga lalaking lumabas sa pinto kaya agad akong nakihalo sa kanila at pumasok na ako sa loob.



Napalingon ako at nakita kong natigilan si Chief.



O kung siya nga ba si 'Chief.'



BZT BZT.



Napatingin ako sa text mula sa cellphone na bigay niya saken.



// Lumabas ka na dyan Lopez dahil pag ako ang pumasok sa loob papasabugin ko ang utak mo. //



Napahinga ako ng malalim at mabilis kong kinuha ang totoo kong cellphone sa jacket ko.



Maraming estudyante sa labas kaya hindi siya makakapasok dito sa loob ng mga ilang minuto kaya kailangan ko magmadali.



Agad kong pinindot ang speed dial number 1 at agad na nag dial ang number ni Grandpa Philip.



[Hel--]


"Grandpa! I think, I'm gonna die." bungad ko at narinig kong may malakas na kumaluskos sa kabilang linya.


[Where the hell are you Phoenix!...Sir?..... EXCUSE ME PLEASE. Phoenix?! Nasaan ka?!]



Napahinga ako ng malalim.



"Please...hanapin niyo ako gamit ang phone ko. Hindi ako lalayo at nandito lang ako sa lugar na ito. Grandpa....I need back up. Tingin ko nagkamali ako at nagtiwala ako sa maling tao. Please Grandpa....save me." sabe ko at pinatay na ang linya at nilagay ko na yung phone sa bulsa ko.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon