Chapter 26

2.2K 46 1
                                    

[AFTER 10 YEARS]




Phoenix Lopez' POV



"Sir! Nakita na po ang primary suspect sa riding in tandem na muntik na pumatay kay Senador Montemayor. On operation na po kame para dun. Hinihintay nalang po namen ang utos niyo." sabe ni SPO1 Loyzaga.




Napatayo ako at agad akong binato ni Ethan ng papel "Wala ako balak sumunod sayo Lopez! Tsaka hoy Loyzaga! Hinihintay pa namen ang utos ni Chief Xander Marco."





Ngumiti ako "Maghintay ka dito kung gusto mo!" sabe ko sa kanya at sinuot ko na yung cap ko. Tiningnan ko si Kurt "SPO1 LOYZAGA!" sigaw ko kaya agad siyang napatayo ng maayos "Sir!" sigaw niya.





"Prepare for operation. Tutugisin na naten ang lintek na mga yun!" madiin kong sigaw.





"Yes sir!" sigaw niya at mabilis ng umalis.




Naglakad na ako palabas at napatingin ako kay Ethan na nasa gilid ko. Tumayo siya ng maayos "Sir! SPO3 ALVARO PREPARING FOR OPERATION!" sigaw niya kaya natawa ako at tinapik siya sa balikat "Galingan mo ha? Tandaan mo kada galaw at plano naten dahil..."




Napakunot ang noo niya at pilit na ngumiti "Kase ako ang gagawa ng report." sabe niya at pasimpleng tinaas ang kamay niya para ipakita saken ang middle finger niya kaya natawa ako at inakbayan siya.





"Maaasahan talaga kita. Hindi mo talaga ako kaya iwan. Mabuti nalang nauna akong napromote kesa sayo!" pagyayabang ko kaya napangiti siya at tumungo.





After 10 years isa na akong pulis. SPO4 to be exact at kasama ko ang bestfriend ni Harper na si Ethan. Hindi alam yun ni Harper dahil nakiusap ako kay Ethan na wag niya sabihin ang tungkol sa akin. 



Sa totoo lang mahal ko pa si Harper. Gusto ko siya balikan at ayusin ang lahat pero hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hindi na ko naglakas ng loob na balikan pa ulit siya. Pinili ko nalang na kalimutan ang lahat na para bang isang panaginip, hindi lang para saken kundi para din sa ikakabuti niya.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon