Chapter 37

2.1K 48 1
                                    

[NEXT DAY]



Phoenix Lopez' POV



*POLICE STATION*




Napainom ako ng kape at napahimas sa ulo ko. Wala akong maalala sa nangyare kagabe at sabe saken ni Mommy na hinatid lang daw ako ni Ethan sa bahay.




"SPO2 MANIEGO!" tawag ko kay Yuan at agad siyang tumayo sa harap ko.




"Sir!"




Tiningnan ko siya at mukha din siyang bangag. Nalasing din siguro siya.




"Nasaan si Ethan?" sabe ko pero napakamot lang siya sa ulo niya.




"Sir, tumawag po siya kanina at nagreport para sabihin na absent siya ngayon."





Napakunot ang noo ko "Ang kapal ng lalaking yun ha! Nalasing din siya kagabe?" tanung ko.





"Hindi naman ata sir eh. Sabe saken ni Mama siya daw naghatid saken." sabe ni Yuan kaya napatayo ako.





"Ikaw muna ang bahala dito ha? Magpapacheck up lang ako." sabe ko dahilan para manlaki ang mata niya.





"Check up sir? Ikaw? SERYOSO?" gulat niyang tanung saken kaya kumuha ako ng lapis sa mesa ko at binato sa kanya "Ano nakakagulat dun ha! Ano tingin mo saken alien?!" galit kong sigaw.





Tiningnan niya ako na mukhang naghihinala "Check up ba talaga o may dadalawin ka lang?" tanung niya.





"HOY! HINDI AKO GANUN!" sigaw ko pero napangiti lang siya.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon