Chapter 1

4.9K 100 0
                                    

Phoenix Lopez' POV



Napatayo ako sa gilid ng kotse ko sa labas ng mansion at napatingin kay Mom at Dad at syempre sa maarte kong kapatid na si Kendrie.



"1 month Nix. 1 month ka lang sa Tagaytay okay? Pagkatapos nun uuwi ka na." sabe ni Mom at nagulat ako ng maiyak siya "Baby naman! Wag ka na kaya umalis? Sa Greece ka nalang magbakasyon kasama namen!" pagmamakaawa niya kaya niyakap ko siya.



"Sabrina Monteigo Lopez is crying again because of her son." pag loloko ko.



Napansin kong natawa si Dad kaya natawa din ako.



Chace! Wag mo ako tatawanan ha!" galit na sigaw ni Mommy kaya nanlaki ang mata ni Dad.



"Hindi ako tumatawa Hon.." painosente niyang sabe kaya hinarap ko si Mommy.



Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan siya sa pisngi "I'll be back. Aalagaan ko ang sarili ko at tatawagan ko kayo lage"



"At?"



Napahinga ako ng malalim "No sex." sabe ko dahilan para matawa ng malakas si Kendrie.



"That's gross Nix." sabe niya.



"Or atleast use protection son." sabe ni Dad.



"Oh my gosh Dad! Nix is just 16 for Pete's Sake!" hindi makapaniwalang sabe ng kakambal ko.



Natawa si Dad at kinindatan ako kaya natawa ako lalo.



"Anak. Bawal ka pa makabuntis. Naiintindihan mo?" bilin ni Mom kaya tumungo ako.



I know na maraming silang naging struggle ni Dad dahil nabuntis si Mommy at the age of 18. Naaawa ako sa kanya kaya hinding hindi ko uulitin ang pagkakamali na yun.



Hinalikan niya ako sa pisngi "Take care baby. I love you" malambing niyang sabe kaya hinalikan ko siya sa noo "I love you too Mom.."



Tinapik lang ako ni Dad sa balikat "Mag iingat ka dun sa bakasyon mo Nix. I'm watching you." madiin niyang sabe kaya ngumiti lang ako.



Nagulat ako ng yakapin ako ni Kendrie "Take care Kuyaaaaa" pagpapacute niya kaya natawa ako "I love you Ken." sabe ko kaya mas lumaki ang ngiti niya "I love you too Nix." sabe niya at humiwalay na.



Sumakay na ako ng kotse ko at kumaway sa kanila bago ako umalis.



I'm Phoenix Lopez. 16 years old and turning 17 after 2 months. I'm the only son of Phoenix Camdrice Lopez and the only grandson of the multi-billionaire Philip Lopez.



6ft tall. May 6 packs abs and working for 8. Hahaha kidding! Brown ang kulay at may black at straight na buhok.



I'm HOT and fucking RICH.



No girlfriend since birth but I'M NOT A VIRGIN. Marami na akong nakafling at OO MALANDI AKO at lage nagpupunta sa ospital para sa healthy check.



At kung ang tanung niyo ay bakit ako nagtatrabaho sa NBI?



Ang sagot ay gusto ko maging Pulis at gusto ko magkaroon ng posisyon pagkagraduate ko ng college.



Simula 11, pumasok na ako sa NBI with the help of my Grandpa Philip at hindi yun alam nila Mom, Ken at Dad. Kada bakasyon may binibigay sila sakeng mission at kada taon palaki ng palaki yun. Akala ng pamilya ko nasa kung saan lang ako at nag-eenjoy ng summer. Hindi nila alam ang ginagawa ko at wala akong balak ipaalam.



Muntik na akong mamatay last year dahil naging asset ako at nagpanggap akong addict at drug dealer para lang mahuli ang isa sa pinakamalaking DRUG SYNDICATE sa bansa. Success ang mission kagaya ng iba kaso nung nagkatapatan na, nabaril ako sa may tiyan ng isa sa mga kriminal. 2 weeks ako halos sa ospital at yun ang unang beses na nakita kong umiyak si Grandpa Philip. Hindi siya umalis sa tabi ko at nangako siya na hindi na ulit siya papayag na masali ako sa kahit anung mission.



Wala na akong balita sa NBI hanggang kahapon. Habang nasa rayot ako may dumating na mga pulis at AKO LANG ANG HINULI NILA.



Dahil wala na daw silang choice, inappoint ako ng bagong chief  bilang bago nilang asset sa mission na ito. Ako lang ang pinakabatang mapagkakatiwalaan nila.



At ako, si Phoenix alyas 'LAWIN' ay nandito na sa tapat ng malaking bakanteng lote para kitain ulit ang Chief at simulan na ang mission ko.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon