Chapter 23

2.1K 47 0
                                    

Harper Olivarez' POV




Napamulat ako ng mata ko at puti lang ang nakikita ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Daddy na natutulog.




Naalala ko bigla yung nangyare at napaupo agad ako. Si Nix? Nasaan na siya?




Agad na napatingin saken si Daddy "Ano nangyare Harp? May masakit ba sayo?" gulat niyang tanung.





"Si Nix? Nasaan siya? Ano na nangyare?! Yung kumidnap saken nasaan na?! Ayos na ba? Buhay ba si Nix?' natataranta kong tanung.




Naiyak ako dahil kinakabahan pa rin ako pag naalala ko ang nangyare. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang kailangan nila saken. Ano ba yung laman ng folder na gusto makuha ng kidnapper? Bakit nandun si Nix? Bakit siya may hawak na baril.





Hinawakan ni Daddy ang kamay ko "Pinagtangkaan ka nila kidnappin at hingian ng ransom. Police on training si Nix at nandun siya para iligtas ka. Kaibigan mo ba siya?"





Agad na tumulo ang luha ko at tumungo ako.





"Pinagbabawal na masali sa isang mission ang isang bata at isang malaking kasalanan ang ginawa niya. Dahil sinabe mo na magkaibigan kayo, siguro yun ang dahilan kaya ka niya niligtas kahit na mapanganib at bawal."





Gusto niya ako iligtas? Pero paano niya nalaman na nakidnap ako? Naguguluhan talaga ako dahil nung araw na kumuha ako ng tubig... bigla nalang may lalaking nagsalita na wag daw ako gumalaw na kinagulat ko. Bago pa ako makapag salita, hinampas na niya ng malakas yung ulo ko kaya nawalan ako ng malay. Pagkagising ko, nasa loob na ako ng van at nung naglakad na kame papunta sa Fountain ng park, nandun na si Nix.





Niligtas niya ako...




Pero paano nga? Bakit siya nandun?



Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon